^

Punto Mo

Bakit absuwelto si Azurin sa kaso ng 990 kilos na shabu?

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MARAMING Pinoy na sumusubaybay sa kaso ng 990 kilos ng shabu na nakumpiska sa Maynila ang nagtataka kung bakit hindi kasama sa kinasuhan ng National Police Commission (Napolcom) si ex-PNP chief Junaz Azurin. Anila, karamihan sa tinamaan ng lintik ng Napolcom ay mga gurami lang. Maliwanag naman kasi sa sikat ng araw na ang puno’t dulo ng kaso ay si Azurin. Dipugaaaaa!

Kaya nakapagtataka kung bakit sina Lt. Gen. Benjie Santos, ang dating 3rd man ng PNP at ex-PDEG chief Brig. Gen. Narciso Domingo lang ang magdurusa eh ginawa lang nila ang trabaho nila sa utos ni Azurin? Porbidang yawaaaaa! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ipinaliwanag naman ni Santos na kaya nandun siya sa MPD lending firm ay dahil inutusan siya ni Azurin na gampanan ang trabaho bilang Deputy Chief for Operations (DCO). Kahit birthday niya noong Oktubre 8, tumalima si Santos sa utos ng hepe niya. Kaya sa ngayon, bakit si Santos lang ang kinasuhan? Di ba dapat kasama si Azurin sa kinasuhan sa ilalim ng Doctrine of Command Responsibility? Tumpak! Hehehe! Walang sense na si Santos lang ang kakasuhan at hindi kasama si Azurin. Dipugaaaaa! Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Hindi lang ‘yan! Maging si Domingo ay itinuturo rin si Azurin na nag-uutos sa kanya kung anu-ano ang gagawin, lalo na sa pag-follow up ng trabaho sa Pasig City. “Alam nga at aprub n’ya (Azurin) ang follow-up operation di ba kung saan nag-umpisa lahat ng mali sa kaso ng 990 kilos ng shabu,” ayon sa kosa kong police official. “Because of his ignorance of law, pumayag s’ya sa follow up na nagresulta sa cover-up at in gross violation of R.A. 9165.” Araguyyyyyy!

Kay sakit naman ng obserbasyon ng police official na tiyak hindi bata ni Azurin. Mismooooo! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Maliban kina Santos at Domingo, may 48 pang mga pulis na nandun sa Tondo, Manila ang ­kinasuhan ng Napolcom sa Office of the Ombudsman sa umano’y “cover-up” sa P6.7 bilyon drug bust. Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos, na chairman din ng Napolcom, ang kasong isinampa ay paglabag sa R.A. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices As; RA 9165 o Dangerous Drugs Act; Obstruction of Justice at iba pa. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

May sampu pang police officials ang nadale, at ang iba naman ay mga gurami na o ‘yaong mga patrolman, na hindi pa ‘ata naintindihan kung ano ang tumama sa kanila.

Ayon sa mga kosa ko, dapat initsa-puera na sa kaso ang mga patrolman dahil sumusunod lang sila sa utos ng kanilang mga opisyal. Di bale na ang mga opisyal dahil sila ang nagmamando at higit sa lahat may pitsa silang gagastusin sa pagharap ng kaso.

Ang mga patrolman? Abayyyyy laking pasalamat nga nila at nakapasok sila sa pagka-pulis kahit gumastos pa ang pamilya nila. Tapos magkakaso sila kahit sumunod lang sila sa utos ng superior nila Araguuyyyyyy! Kay lufet ng tadhana para sa mga patrolman na tinamaan ng hagupit ni Abalos. Mismooooo!

Hinikayat naman ng mga kosa ko sina Santos at Domingo na ituro si Azurin bilang depensa nila sa lahat ng kasong hinaharap. Unfair naman na absuwelto si ex-PNP chief at sila ang magduru sa eh sinunod lang nila ang utos ng una. Abangan!

NAPOLCOM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with