^

Punto Mo

Model, naglabas ng pabango na ang isa sa ingredient ay kanyang pawis!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG bagong pabango sa Brazil ang literal na pawis ang puhunan dahil ang isang ingredient nito ay pawis ng isang modelo!

Pinag-uusapan ngayon sa Brazil ang modelo na si Wanessa Moura dahil sa kanyang perfume line na “Fresh Goddess” dahil ang bawat bote nito ay naglalaman ng kanyang pawis!

Ayon sa 29-anyos na modelo at social media influencer mula Sao Paolo, naisipan niyang lagyan ng kanyang pawis ang pabango dahil lahat ng kanyang naging karelasyon ay pinupuri na “sexy at exci­ting” ang kanyang natural body odor.

Bawat bote ng “Fresh Goddess” ay naglalaman ng 8 milliliters ng pawis ni Moura. Bukod dito, ang base notes nito ay Mandarin orange, bergamot at pink pepper.

Ipinagmamalaki ni Moura na isa sa kanyang fan na na­kagamit na ng kanyang pabango ay dalawang beses ng naimbitahan na makipag-date dahil sa mapang-akit na amoy ng “Fresh Goddess”.

Sa kasalukuyan, mabibili lamang ang pabangong ito sa Brazil at nagkakahalaga ng 690 Brazilian Real (katumbas ng P7,600) ang 150ml bottle nito.

vuukle comment

PABANGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with