^

Punto Mo

Mababawi pa ba ang sobrang ibinayad sa utang?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Mababawi ko pa ba ang P300,000 na sobrang naibayad ko sa inutangan ko kamakailan lang? Kahit kasi wala naman kaming napag-usapan tungkol sa interes ay binayaran ko na rin sa pag-aakalang may interes nga akong kaila­ngang bayaran. Ngayong nalaman ko na hindi naman pala ako kailangang magbayad ng interes ay puwede ko pa bang habulin ang sobra kong naibayad? —Pol

Dear Pol,

Maari mo pa ring bawiin ang naibayad mong P300,000. Ayon sa Article 1960 ng Civil Code, kung nagbayad ng interes ang isang umutang kahit wala namang napagkasunduan ukol dito, kailangang sundin ang prinsipyo ng solutio indebiti na matatagpuan sa Article 2154 ng Civil Code.

Ayon sa Article 2154, kung may natanggap na isang bagay at wala namang karapatan ang nakatanggap na hingin ito at naibigay lamang ito sa kanya bunsod ng pagkakamali ay magkakaroon ng obligasyon ang nakatanggap na ibalik ang bagay na kanyang natanggap.

Base rito, may karapatan kang singilin pabalik ang interes na ibinayad mo dahil ibinigay mo lamang ito sa pag-aakalang kailangan mo talagang magbayad ng interes.

Sa small claims court ka dapat magsampa ng kaso dahil nasa P300,000 lamang ang iyong sisingilin ngunit kailangan mo munang magpadala ng demand letter upang maipakita mo sa korte na binigyan mo ng tsansa ang inutangan mo na bayaran ang sinisingil mong halaga.

vuukle comment

UTANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with