^

Punto Mo

Lola sa Canada, nakatanggap ng guinness world record dahil sa dami ng nai-donate niyang dugo!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 80-anyos na lola sa Canada na regular na nagdo-donate ng dugo sa loob ng anim na dekada ang nakatanggap ng Guinness World Record title na “The Most Whole Blood Donated (Female)”.

Ayon sa Guinness, nagsimulang mag-donate ng dugo si Josephine Michaluk noong siya’y 22 years old. Sa mahigit 60 years na pagkaka­wanggawa, umabot na sa 203 units of blood ang na-donate ni Michaluk. Ang 203 units ng dugo ay equivalent sa 91 liters.

Sa panayam kay Michaluk, malinaw pa sa kanyang alaala ang una niyang pagsali sa blood donation drive. Noon ay 1965 at naisipan niyang sumali dahil hinikayat siya ng kanyang kapatid na babae.

Ang blood type ni Michaluk ay “O” positive at ito ang isa sa dugo na may mataas na demand.

Sobrang proud si Michaluk sa natanggap niyang world record title dahil masaya siya na marami siyang natulungan sa pamamagitan ng kanyang dugo.

 

BLOOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with