^

Punto Mo

EDITORYAL - Pabahay ng gobyerno gawing abot-kaya

Pang-masa
EDITORYAL - Pabahay ng gobyerno gawing abot-kaya

Maraming Pilipino ang walang sariling bahay at lupa. Kaya pangarap ng bawat isa na magkaroon kahit maliit na lote basta matatawag na sarili nila. Sawang-sawa na raw sila sa pangungupahan. Pagod na pagod na rin sila sa kalilipat. Ang dasal nila, magkaroon ng desenteng tahanan na habambuhay na sa kanila.

Halos lahat ng mga naging presidente ng bansa ay nagkaroon ng housing projects para malunasan ang problema sa pabahay. Para masolusyunan din ang pag-squat sa kung saan-saan na kadalasang panganib ang kinahahantungan. Kapag nagkasunog damay-damay na lahat. Kapag bumaha, tinatangay ang nasa pampang ng ilog o estero.

Sa panahon ni dating President Ferdinand Marcos Sr., maraming pabahay ang gobyerno. Isa na ang BLISS projects na style condominium. Maraming itinayong BLISS sa Metro Manila at probinsiya pero hindi rin nagtagumpay sapagkat maraming ibinenta lang ang unit. Karamihan sa benepisyaryo ay hindi naman talaga mahirap. Nagkaroon ng palakasan sa pagkuha ng unit sa BLISS.

Sa panahon ni President Cory Aquino, nilunsad ang mga low-cost housing. Pero dahil mahal ang monthly amortization, marami ang hindi nakabayad kaya na-foreclosed ang property. Maraming binenta ang lupa’t bahay at nag-squat muli.

Sa term ni FVR, itinayo ang mga gusali na style condo rin. Pero hindi rin nasolusyunan ang problema sa housing. Marami rin ang nagbenta ng unit. Iba’t iba ang nagmay-ari. Nababoy ang gusali gaya ng nasa Osmeña Highway na nasa boundary ng Maynila at Makati na mistulang ukay-ukay dahil sa nakasabit na sampay sa bintana. Napakaruming tingnan.

Ngayong term ni Pres. Ferdinand Marcos Jr., ­nilunsad niya ang proyektong pabahay na nangangako nang mababang hulog buwan-buwan. Kayang-kaya umano itong bayaran. Para raw ito sa minimum wage earners, mga informal settlers, mga nakatira sa danger zone, at mga naghahangad ng mura, simple, at komportableng bahay.

Sabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar, magbabayad ang isang pamil­ya ng P3,500 hanggang P4,000 sa pabahay ng gobyerno. Bababa pa raw kung may subsidy ang gobyerno.

Sa aming opinion, mahal pa ang P3,000 na buwanang amortization. Babaan pa sana para hindi mahirapan ang benepisyaryo. Kung hindi bababaan, posibleng mapaalis ang benepisyaryo kapag hindi nakabayad at walang ibang mahihirapan kundi gobyerno rin. Tiyakin na abot-kaya ang bayad sa pabahay.

BLISS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with