^

Punto Mo

Pinay na construction workers, dumarami!

DIPUGA - by Non Alquitran and Rainier Allan Ronda - Pang-masa

May kumpiyansa na ang gobyerno sa kakayahan ng mga Pinay workers para punuan ang kakulangan ng mga lalaking construction workers bunga sa patuloy na pag-boom ng build, build, build program sa Pinas. Kaya’t habang bumubulusok ang programa ni President Bongbong Marcos sa housing projects sa iba’t ibang bahagi ng Pinas, hindi na made-delay ang mga ito dahil sa kakulangan ng workers. Kaya naman dumarami ang kababaihan na pumasok bilang construction workers dahil na rin sa programa ni BBM na libreng pag-aaral ng technical vocational (techvoc) courses sa ilalim ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA). Eh di wow!

Nagulat ba kayo mga kosa na dumadami ang babaeng nahihilig sa techvoc courses? Aba hindi pa yan nakakamangha dahil ang pinipili nilang kurso base sa datos ng TESDA ay yong mga kasanayan na noong unang panahon ay tinuturing na panglalaki lamang. Dipugaaaaa! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ayon sa TESDA, parami nang parami ang bilang ng mga babaing nag-eenrol sa techvoc courses tulad ng welding, electrical maintenance, backhoe operations at iba pang tinuturing na “tradionally male-dominated” na kurso. At eto pa mga kosa, halos 8 mula sa 10 kababaihan na techvoc graduates, 78.81 percent ng Pinay TESDA graduates ay madaling nabibigyan ng trabaho dito sa Pinas at maging sa abroad. Wow dolyares ‘yan ha!

Sinabi pa ng TESDA na mas lamang ng kaunti ang mga babae na TESDA graduates ang mabibigyan ng trabaho agad-agad kumpara sa mga kalalakihan. E di Wow! Hehehe! Malapit ng alpasan ng Pinay workers ang mga lalaki sa field ng constructions ah. Dipugaaaaa!

Ayon pa sa TESDA kabilang sa mga kababaehan sa kanilang “priority clients” dahil sila ay maituturing na vulnerable or “mahina.” Upang palakasin ang mga Pinay at maging produktibong miembro ng populasyon ay nagbibigay ang TESDA ng libreng kasanayan at livelihood sa mga Pinay. Mula nang maitayo ang TESDA Women Center sa Taguig ay mahigit 10,000 Pinay na ang nabigyan ng skills training, trabaho at sariling negosyo. Hehehe! Tataas pa ang bilang ng mga Pinay na mabiyayaan ng libreng skills training at livelihood ah. Mismooooo!

Sa kasalukuyan, ang TESDA Women Center ay nagbibigay na rin ng industrial courses sa mga Pinay na noong araw ay puro kalalakihan lamang ang kumukuha. Layunin ng TESDA na isulong ang gender equality at patunayan na ang mga kababaehan ay hindi para sa gawaing bahay lamang. Itinatapon na rin ang pag-iisip na ang trabaho sa construction industry ay para sa mga lalaki lamang. Sa katunayan mas pinipili na daw kunin ng mga may-ari ng construction companies sa Pinas o abroad ang mga Pinay workers. Gets nyo mga kosa?

Kaya mapupunuan ng mga Pinay workers ang kakulangan ng trabahador sa construction industry habang dumarami ang housing at iba pang projects ni BBM. Dahil dito ay sinusuyod na ng TESDA ang mga malalayong lugar sa bansa para magbigay ng libreng skills training sa mga interesadong Pinay. Abangan!

CONSTRUCTION WORKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with