^

Punto Mo

EDITORYAL - Babala sa public­ ­officials na hindi aaksiyon sa ­reklamo

Pang-masa
EDITORYAL - Babala sa public­ ­officials na hindi aaksiyon sa ­reklamo

NAGSANIB-PUWERSA ang Office of the Executive Secretary’s Strategic Action and Response Office at Anti-Red Tape Authority (ARTA) para mapabilis ang serbisyo sa mamamayan. Sa Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan noong nakaraang linggo, ang government agencies ay bibigyan ng 72 oras para sumagot sa mga reklamo ng mamamayan. Ang 8888 Citizen Action Center (CAC) ang aakto sa mga reklamo.

Ayon kina Strategic Action and Response Office Undersecretary Rogelio Peig II at ARTA director general Secretary Ernesto Perez, sa nilagdaan nilang kasunduan, titiyakin nilang ang mga ­irereklamong public officials na hindi umakto sa complaints ay mananagot. Hindi umano maaaring balewalain ng mga opisyal ang reklamo at dapat nila itong sagutin at solusyunan sa loob ng 72 oras. Kapag hindi nila tinugunan, sasampahan ng kaso ang erring public official.

Sabi ni Perez, kapag walang response sa government agency, ang Anti-Red Tape Authority ang mag-iimbestiga at kapag napatunayang hindi ginawa o umaksiyon ang ahensiya, kakasuhan sila sa Office of the Ombudsman o ng Civil Service Commission.

Kabilang sa mga tatanggaping reklamo ay may kinalaman sa graft and corruption at ang mabagal na proseso ng mga hinihinging papeles sa tanggapan ng pamahalaan at ang mga humihingi ng assistance.

Ayon naman kay Peig, ang kasunduan ay may layuning maging conscious ang mga public officials at maging responsible lalo na sa pagbibigay ng tulong sa mamamayan. Ang mga nagtatrabaho sa pamahalaan ay dapat nasa puso ang pagsisilbi sa taumbayan.

Kapaki-pakinabang ang pagsasanib ng dalawang tanggapan para mapaglingkuran ang mamamayan. Harinawang tumupad o tumalima ang mga nasa tanggapan ng pamahalaan para mapaglingkurang ganap ang mga nangangailangang mamamayan. Hindi naman sana mauwi sa ningas kugon ang sinimulang ito ng Strategic Action and Response Office at Anti-Red Tape Authority.

ANTI-RED TAPE AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with