^

Punto Mo

Kuwentong milyonaryo  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Isang book author ang may sinulat tungkol kay Donald Trump at tinawag itong milyonaryo. Nagalit si Trump at nag-file ito ng $5 billion lawsuit noong 2009 laban sa author dahil bilyonaryo siya at nakakainsulto ang pagtawag nito sa kanya ng milyonaryo lang.

2. Si Lady Bird Johnson ang pinakaunang U.S. First Lady na milyonarya na bago pa man maging Presidente ang mister niya.

3. Mas maraming milyonaryo sa Switzerland kaysa mahirap na nangangailangan ng tulong ng gobyerno.

4. Isang Chinese millionaire ang nabaon sa utang dahil nagtayo siya ng shelter para sa mga asong ni-rescue para gawing karne.

5. Noong nasa kapangyarihan si Hitler, isang tao lang ang pinapayagan niyang kumuha sa kanya ng litrato. Lahat ng gagamit ng litrato ni Hitler ay sinisingil ng royalties. Ang bayad ay pinaghahatian nila ni Hitler. Mabilis naging milyonaryo ang personal photographer ni Hitler.

6. Erno Rubik, ang imbentor ng laruang Rubik’s Cube ang pinakaunang self-made millionaire mula sa bansang komunista. Taga-Hungary siya.

7. Ang Mexican millionaire na si Carlo Slim Helu ay kumikita ng $30 million per day pero nakatira lamang siya sa simpleng bahay.

8. Binili ng Swedish millionaire na si Johan Eliasch ang 400,000 acres of the Amazon Rainforest  mula sa isang logging company sa halagang $14,000,000 para lang mapreserba ito.

9. Ang millionaire na si Michael O’Leary, CEO ng airline Ryanair, ay mayroong sariling taxicab company na iisa lang ang taxi. Ginawa niya ito para legal niyang magamit ang bus lanes at makaiwas sa traffic.

10. Isang banker sa maliit na bayan ng Florida ang humimok sa kanyang mga kababayan na bumili ng shares ng Coke noong panahon ng Depression (tag-hirap noong 1930s). Ngayon ang Quincy, Florida ay tinatawag na Town of Secret Coca-Cola Millionaires.

MILYONARYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with