^

Punto Mo

Ang katabing leon

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Si San Geronimo ang santo na laging inilalarawan sa istampita na may katabing leon. Bakit naidikit sa kanya ang isang leon? Isang araw nakita niya ang leon na umaalulong.

Natuklasan niya ang dahilan ng pag-alulong—may isang matulis na kahoy na bumaon sa paa nito. Sa isip ni San Geronimo, ang leon ay umiiyak sa sobrang sakit na nadarama. Tinabihan niya ang leon at kinausap na tila tao.

“Huwag kang mag-alala, tatanggalin ko ang tinik sa paa mo. Huwag mo akong kakagatin, ha?”

Hinugot niya ang matulis na kahoy na nakabaon sa paa ng leon. Pagkatapos ay nilagyan ng halamang gamot at pinuluputan ng benda.

Ilang araw din na inalagaan niya ang leon. Nang gumaling ay hindi na ito humiwalay kay San Geronimo. Lagi itong nakaupo sa tabi niya na parang nagbabantay. Kaya nang maging santo si San Geronimo o Saint Jerome, siya ay laging inilalarawan ng mga artist na may kasamang leon.

Ang patron ng bayan ng Veracruz, Mexico ay si San Geronimo. Sa harapan ng kanilang simbahan ay may monumento ito, siyempre pa, may katabi itong leon. May ilang tao na kumontra sa paglagay ng leon. Wala raw itong relevance sa pagiging santo ng kanilang patron. Kaya kaagad tinanggal ang leon at inilagay sa isang sulok ng simbahan.

Simula noon, may kababalaghang nangyari sa bayan ng Veracruz. Sunud-sunod ang nama­matay na mga hayop. Tuwing gabi ay may naririnig silang ungol ng leon. Ang parish priest ay laging nagigising sa gabi sa ungol ng leon pero kapag sinuri niya ang paligid, wala naman siyang makita na pagmumulan ng ingay. Isa pa, walang leon sa kanilang lugar.

Binalot na ng takot ang buong bayan kaya bago maubos ang lahat ng alagang hayop, ang leon ay ibinalik sa tabi ni San Geronimo. Mula noon, nawala ang ungol ng leon sa gabi at tumigil ang sunud-sunod na pagkamatay ng mga hayop.

LION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with