Atty. Triambulo, bilang na ang araw sa puwesto?
PALALA na ang sitwasyon ni Atty. Alfegar Triambulo, ang Inspector General ng Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP). Naglutangan na kasi ang mga “disgruntled” employees ng IAS para ibulgar ang pamamalakad niya sa kanyang opisina na hindi alinsunod sa batas. Nitong nagdaang araw ay sumulat si Atty. Maria Lynnden S. Constantinopla kay Executive Secretary Lucas Bersamin para klaruhin kung ano ba talaga ang status ni Triambulo na isang presidential appointee. Siyempre, kasama sa binanggit ni Constantinopla ang mga pagmamalabis ni Triambulo sa kanyang mga empleyado at ang sexual harassment na isinampa laban sa kanya ng empleyada na si Genevieve Lipura. Matatandaan na deny to death si Triambulo sa akusasyon ni Lipura at itong si Constantinopla ay itinuturo niyang may balakin na palitan niya. Eh di wow! Hehehe! Sino kaya ang nasa tama sa kanila mga kosa? Dipugaaaaaa!
Sa kanyang sulat, hiniling ni Constantinopla kay Bersamin na bigyan pansin niya ang iba’t ibang pagmamalabis ni Triambulo sa kanyang mga empleyado, mga anomalya at iregularidad habang isinusulong ang kanyang “official duties” habang nasa trono ng IAS. Aniya, pinili ng karamihang empleyado na manahimik na lang, imbes na magreklamo, dahil tiyak na itatapon sila sa probinsiya kapag nakarating ito kay Triambulo. Hehehe! Ang lufet pala nitong si Triambulo, no mga kosa?
Subalit ayaw ni Constantinopla na manahimik. Eh di wow! Ayon kay Constantinopla, nagsimulang pag-initan siya ni Triambulo nang mag-breakfast meeting siya kay PNP chief Gen. Junaz Azurin nitong Agosto 18 para iparating ang mga reklamo ng discriminated employees at magawan ng paraan ang pagpalago ng kanilang trabaho.
Biglang lumutang ang nakabinbin niyang administrative case at kanyang natuklasan na may “tampering” na nangyari sa evidence at case record. Ani Constantinopla, may isiningit na pleadings sa termination of the pleadings at nagamit ito para madismis siya sa kanyang trabaho. Iginiit ni Constantinopla na ang Summary Hearings Officer ng administrative case niya ay nagrekomenda na ng “exoneration” kaya lang mukhang may “malakas na puwersa” na nagtulak nito para madismis siya. Dipugaaaaa!
Ang “Executive Summary” kung saan nakadokumento ang “excesses and abuses” ni Triambulo sa IAS na isinumite ni Constantinopla kay Azurin ay isinama ng huli sa kanyang sulat kay Bersamin na natanggap na ng Malacañang Records Office. Araguuyyyyy! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Kung presidential appointee si Triambulo, nagtataka si Constantinopla kung bakit inisnab nito ang Memorandum Circular 1 at MC 3 ni President Bongbong Marcos. Kung si Triambulo ang tatanungin, fixed term siya at hindi co-terminus kay Tatay Digong na nag-appoint sa kanya noong 2016. Hindi rin umano siya saklaw ng CESO governing policies. Eh di wow! Magreretiro siya sa edad na 65 at mapapalitan lang “with a cause.” Dipugaaaaa!
Kumakatok si Constantinopla sa butihing puso ni Bersamin na bigyan siya ng sapat na oras para ilahad ang totoong “state of affairs” sa IAS at kung anu-anong reporma ang kailangan. Eh di wow? Bilang na kaya ang araw ni Triamublo sa puwesto? Abangan!
- Latest















