Pulis at media sa Metro, magkasangga! — Gen. Estomo
NAKANGITI ang lahat ng taga-media dahil sa naglalakihang cash at iba pang premyo na nakamtan nila sa dalawang araw na invitational fun shoot at Christmas party na ikinasa sa kanila ni NCRPO chief Maj. Gen. Jonnel “Esto” Estomo. Sobrang tuwa ng mga media na kumukuber sa limang police districts ng NCRPO dahil hindi lang sila natutong bumaril para depensahan ang mga sarili nila, kundi nagkaroon pa sila ng extra cash para sa simpleng handaan sa Press Corps nila. Kasi nga, may nag-uwi ng P25,000, P20,000, P15,000 at ang pinakamaliit ay P5,000 cash prize maliban sa lechon kambing, lechon baboy, dressed chicken, at may buhay na kambing pa. Eh di wow!
Hindi lang ‘yan, ang umaabot sa 114 media people na nag-signify na aattend sa event ay nag-uwi ng tig-isang tray ng itlog. Ang mga premyo ay galing lahat sa malaking puso ni Estomo. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kaya sa tingin ko, nitong Miyerkules at Huwebes ng umaga ang ulam ng mga katoto ko sa media ay itlog. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Iba’t ibang luto naman siguro, di ba mga kosa? Mismooooo!
Kaya naman inorganisa ni Estomo itong fun shoot ng media ay para turuan sila ng paghawak ng baril at personal na pangalagaan nila ang security nila. Itong aktibidades ay matapos mapaslang si hard-hitting journalist at commentator Percival Mabasa aka Persy Lapid kung saan nalutas naman ng mga tauhan ni Estomo at ng NBI. Matapos ang fun shoot, panatag ang loob ni Estomo na ang media sa Metro Manila ay may kakayanan na at ligtas sa kung ano mang threat sa buhay nila habang ginagampanan ang trabaho nila. Siyempre, nangako rin si Estomo na kapag may death threat na ang media, dapat agarang magreport ang mga ito sa kanyang opisina para mabigyan sila ng sapat na seguridad. Dipugaaaaa! Hehehe! Mahal talaga ni Estomo ang media, no mga kosa? Sana yumabong pa ang lahi ni Estomo sa hanay ng ating kapulisan!
Itong pagkahalubilo ng Press Corps kay Estomo at sa command group at staff officers n’ya ay na-take advantage din ng media para ilahad ang mga concerns nila habang kumukuber ng limang police districts. Dahil sa sobrang busy sa trabaho sa panahon ng pandemya, naging daan din ang event para magkita-kita ang taga-media at mag-Marites....este magtsikahan pala.
Halos lahat ng media ay nagtatawanan dahil sa kuwento ng mga engkuwentro nila sa pulis habang ginagampanan ang kanilang trabaho. May namonitor ka bang media na nagreklamo laban sa pulis during coverage, NCRPO spokesman Lt. Col. Dexter Versola Sir? Eh di wala! Kaya nang mag-alisan sa venue-ang Hinirang Multi-Purpose Hall sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City—ang tanong ng taga-media, “Kailan kaya mauulit ito.” Anong sey mo NCRPO PIO Maj. Anthony Alising Sir? Dipugaaaaa!
Naiiba talaga ang gimik na ito ni Estomo na sana ay gayahin ng ibang police headquarters sa Pinas para maibsan ang tension sa grupo ng media at kapulisan. Mismooooo! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Abangan!
- Latest