^

Punto Mo

Higanteng goldfish, nabingwit sa France!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG mangingisdang Briton ang nakabingwit ng dambuhalang goldfish sa Bluewater Lakes sa Champagne, France. May bigat na 30 kilos ang goldfish na nagngangalang “The Carrot”.

Sa panayam sa na­kabingwit nito na si Andy Hackett, sinabi nito na inabot ng halos kalahating oras ang pakikipaghilahan niya ng pamingwit dahil mabigat at malakas lumaban ang goldfish na si The Carrot.

Ayon sa management ng Bluewater Lakes, 15 years ago pa nila dinala sa kanilang lake ang isdang si The Carrot kaya ito lumaki at umabot sa timbang na 30 kilos.

Kahit matingkad ang kulay nito at madaling makita sa tubig, sobrang ilap nito kaya maraming humanga kay Hackett sa pagkahuli niya kay The Carrot.

Matapos kuhanan ng litrato si Hackett habang hawak ang nahuli niyang isda, agad din niyang ibinalik ito sa tubig upang bigyang pagkakataon ang iba pang bisita ng Bluewater Lakes na mabingwit si The Carrot.

Dahil dito, mara­ming nagkaroon ng interes na bumisita sa Bluewater Lakes at fully booked na ang kanilang lake hanggang matapos ang 2022.

BLUEWATER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with