^

Punto Mo

Nawawalang lola sa Indonesia, natagpuan sa loob ng tiyan nang malaking sawa!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lola sa Indonesia na ilang araw ng pinaghahanap ng kanyang mga kaanak ang natagpuang nasa loob ng tiyan ng isang 22 talampakang sawa!

Huling nakitang buhay ang 54-anyos na si Jarah ng kanyang asawa noong Oktubre 21. Papunta ito sa pinagtatrabahuhan niyang rubber plantation na malapit lamang sa kanilang tahanan sa Jambi, Sumatra. Nang hindi na ito nakauwi ng gabing iyon, humingi na ng tulong sa awtoridad ang pamilya ni Jarah.

Noong gabi ng paghahanap kay Jarah, ang tanging nakita ng search party sa kagubatan ay ang sapatos, jacket at headscarf.

Pagsapit ng umaga ng Oktubre  23, may natagpuan ang search party na isang reticulated python na may habang 22 talampakan. Namamaga ang katawan nito na tila may malaking hayop na kinain.

Malaki ang hinala ng search party na ito ang salarin sa pagkawala ni Jarah kaya pinatay nila ang sawa at saka binuksan ang tiyan nito.

Shock sila sa nakita sa tiyan ng sawa—ang katawan ng lola! Buong-buo pa ang katawan nito.

Dahil sa nangyari sa lola, sinaklot ng pangamba ang mga residente ng Jambi lalo pa at napabalita na may nakita pang mas malaking sawa na may habang 27 talampakan na gumagala sa kanilang lugar.

vuukle comment

AHAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with