^

Punto Mo

Pekeng appointments sa gobyerno, naglipana!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MATAPOS magbitiw sa puwesto si Atty. Vic Rodriguez bilang Executive Secretary noong Setyembre 17, naglutangan ang kontrobersya hinggil sa mga appointments sa iba’t ibang sangay ng gobyerno na lubhang ikinabahala ni President Bongbong Marcos. Dangan naman kasi, may ilang dokumento na mukhang peke talaga! Ang masaklap pa, pilit na kinakaladkad ang pangalan ni Rodriguez sa hangaring tuluyang gibain ang dekampanilyang abogado.

“Mukhang sinamantala nila ang pagkakataon nang magbitiw si Atty. Vic Rodriguez bilang Executive Secretary,” ayon sa kosa ko. Hehehe!  Dapa na ang tao, inaapak-apakan pa. Anong sey n’yo mga kosa? Dipugaaaaa!

Kabilang sa maingat na sinusuri ang appointment ay ang kay Federico Laxa sa Socialized Housing Finance Corporation (SHFC), gamit ang pinakabagong dokumento ng pagtatalaga ng Pangulo sa Commission on Human Rights (CHR). May katwirang mabahala si BBM dito sa pekeng appointments dahil pati siya ay nasisira dito. 

Kaya tumpak lang na kumilos si bagong Executive Secretary Lucas Bersamin na imbestigahan at para malaman ang lalim nito. Matapos mag-take oath sa harap ni BBM, diretso si Bersamin sa Cabinet meeting kaya ang bansag sa kanya ay “kilos agad.” Eh di wow! Kaya’t dapat kilos din agad si Bersamin sa mga pekeng appointments, di ba mga kosa?

Kung sabagay, isama na ring alamin ni Bersamin kung ano ang kinalabasan sa imbestigasyon ni CIDG director Maj. Gen. Ronald Lee sa pekeng appointment ni Atty. Abraham Espejo sa Commission on Immigration. Eh di wow! Hak hak hak! Mukhang malalim ang kaso ni Espejo dahil naglalabasan ang demolition job vs Rodriguez matapos mabulgar o kumalat ito sa media. Dipugaaaaa! 

Halatado naman kasi ang pagkakaiba ng SHFC at CHR appointments paper kumpara sa mga bagong nilagdaan ng Pangulo. Duda ng ilan, ginamitan ng photoshop ang mga ito para magkaroon ng Presidential seal ng Palasyo. 

Pati pirma ni BBM ay kaduda-duda. Dapat ipasuri ni Bersamin sa mga eksperto ang dalawang dokumento, di ba mga kosa? Sa ngayon kasi, binuhusan ng P157 bilyong pondo ang SHFC mula sa «savings» ng attached agencies ng DHSUD para pangunahan ang programa ni BBM na tugunan ang 6.5 milyong housing backlog ng bansa.

Bukod pa sa naturang halaga, nakatakda ring tumanggap ng $1-billion housing grant ang nasabing ahensiya bilang suporta ng United States sa programang pabahay ng administrasyong Marcos. Kaya gagawa talaga ang mga may interes sa pitsa na gawin ang lahat ng paraan para mapunta sa kanilang ang grasya....este ang puwesto pala. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Mismooooo! Abangan!

VIC RODRIGUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with