^

Punto Mo

Lalaki sa singapore na gumagamit ng 9 na aircon nang sabay-sabay, inireklamo ng mga kapitbahay!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Singapore ang inireklamo ng kanyang mga kapitbahay dahil sabay-sabay nitong pinaaandar ang siyam niyang airconditioner sa kanyang maliit na apartment!

Sabay-sabay na pinaaandar 24/7 ng 63-anyos na si Huang ang kanyang siyam na aircon kaya bumaba sa 18 degrees celcius ang temperatura sa kanyang apartment unit sa Sengkang. Dahil dito, naging sanhi ito ng condensation sa buong apartment building at nagkaroon ng black mold ang mga katabing unit.

Ayon sa isa sa mga nagre­reklamong kapitbahay na direktang nasa taas ng unit ni Huang, kailangan nitong maglampaso tatlong beses sa isang araw dahil sa condensation o nagtutubig ang kanilang sahig.

Bukod dito, ang mga katabing unit ni Huang ay nababahala na sa tumutubong black mold sa kanilang mga dingding at kisame. Hindi kasi maganda sa kalusugan kapag nalanghap at napunta sa lungs ang molds.

Sa panayam kay Huang, napag-alaman na may lima siyang aircon sa living room, dalawa sa master’s bedroom at tig-isa sa tatlong iba pang kuwarto. Ang paliwanag nito ay kailangang malamig ang kanyang bahay dahil mayroon siyang liver cancer at nakatutulong ang lamig sa kanyang immunity.

Dahil halos buong apartment building na ang nagsampa ng reklamo, nagpasyang umalis si Huang sa kanyang inuupahan apartment noong Setyembre 17, 2022. Ayon sa mga report napilitan na itong umalis dahil hindi nito nagustuhan na idinamay pa ng kanyang mga kapitbahay sa reklamo ang mga awtoridad pati na ang media.

vuukle comment

AIRCON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with