^

Punto Mo

Atty. Espejo, blanko sa pekeng appointment niya sa BI!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

BLANKO si Atty. Abraham Espejo tungkol sa pagkalat sa social media ng pekeng appointment papers niya sa Bureau of Immigration. Sinabi ni CIDG director Brig. Gen. Ronald Lee na humarap si Espejo sa mga imbestigador at legal personnel niya at itinatwa na may kinalaman siya sa sigalot na dulot ng pekeng dokumento.

Iginiit pa ni Espejo kay Lee na sa nangyari, parang ipinagkanulo pa niya ang sarili. Oo nga naman! Parang dirty tricks laban kay Espejo ang pekeng pagkahirang n’ya sa BI, di ba mga kosa? Hindi sinabi ni Lee kung kandidato ba si Espejo bilang commissioner ng BI. Maging si Espejo ay hindi rin nagsabi na nag-apply siya sa puwesto, hehehe!

Hinirang na ni President Bongbong Marcos si Norman Tansingco bilang BI Commissioner kaya tigil na ang gibaan para sa puwesto. Mismooooo! Hak hak hak! Hindi lang naman sa BI lumabas ang fake appointment kundi maging sa ibang sangay pa ng gobyerno, di ba kosang Raoul Esperas Sir? Dipugaaaaa! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

May katwiran namang maalarma si BBM dito sa pekeng appointment ni Espejo dahil pineke ang pirma niya at ginamit pa ang official seal ng Palasyo. Kaya inutusan niya ang CIDG ni Lee at National Bureau of Investigation (NBI) kung sino ang nasa likod nito para maparusahan at hindi na maulit ang kaso. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kaya kung sinuman ang nasa likod ng paggiba kay Espejo, abaaaaa malapit ka nang mahubaran dahil walang humpay sa pagkalap ng ebidensiya ang mga bataan ni Lee. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Nakakatulog pa kaya nang mahimbing ang nasa likod ng pekeng appointment ni Espejo? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Dipugaaaaa! Hehehe! Lalabas at lalabas din ang katotohanan sa kasong ito.

Kung sabagay, hindi lang si Espejo ang humarap sa mga imbestigador at legal personnel ni Lee kundi maging ang limang newsmen na inimbitahan ng CIDG. Ang lima ay lumutang sa CIDG headquarters ng nakaraang linggo at lahat sila ay may kasamang abogado at may iba namang pati asawa nila. Nilinaw ni Lee na hindi naman inginuso ng mga newsmen kung sino talaga ang nagpakalat ng pekeng appointment papers. “Ang sabi nila basta lang pinagpasa-pasahan nila. Hindi nila alam kung sino talaga ang may pasimuno sa pekeng appointment ni Atty. Espejo,” ani Lee. Hindi naman masabi ni Lee kung ang mga abogado na kasama ng limang newsmen ay bayad galing sa bulsa nila o sa mastermind sa kaso ni Espejo. Eh di wow!

Pinauwi ng CIDG ang limang newsmen na wala silang nakuhang ebidensiya na makakatulong sa paglutas ng kaso ni Espejo. Araguuyyyyy! Hak hak hak! Kaya lang hindi pa tapos ang kaso para sa limang newsmen dahil hinikayat sila ni Lee na bumalik sa CIDG nitong linggo matapos makapag-isip nang malalim at ibulgar na ang katotohanan sa kaso.

Magbabago pa kaya ang isipan ng limang newsmen? Abangan!

ABRAHAM ESPEJO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with