^

Punto Mo

Candy company sa Canada, naghahanap ng taga-tikim ng kendi na susuweldo ng $100,000 a year!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGHAHANAP ang Canadian candy company na Candy Funhouse ng bagong empleyado na uupo bilang “Chief Candy Officer” na may annual ­salary na $100,000!

Nag-viral kamakailan ang job posting ng nasabing kompanya dahil ayon sa mga netizens, ito na ang dream job para sa mga mahilig sa kendi.

Ayon sa spokesperson ng Candy Funhouse, may choice ang matatanggap na Chief Candy Officer kung full time o part time work from home ang gustong setup nito.

Bukas ang posisyon sa mga may edad na 5 years old pataas na kasalukuyang naninirahan sa North America.

Isa sa mga job requirements ay dapat mahilig sa candy at chocolate ang aplikante. Willing dapat tumikim ito ng bagong candy na hindi pa nailulunsad sa merkado.

Sa panayam sa CEO ng Candy Funhouse na si Jamal Hejazi, handa dapat ang mapipiling Chief Candy Officer na tumikim ng 3,500 candy pro­ducts sa loob ng isang taon. At may kakayahan dapat ito na pangunahan ang isang candy board meeting at maging head taste tester.

Sa kasalukuyan, umabot na ng 100,000 applications ang natanggap ng Candy Funhouse ngunit tumatanggap pa sila ng mga aplikante hanggang Agosto 31, 2022.

CANDY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with