Psychological tricks
• Kapag nakipag-break sa iyo ang karelasyon mo, huwag kang magpahalata na nasaktan ka. Sa halip, ipakita mong nakahinga ka nang maluwag at nakawala ka sa kanya. Bigla niyang maiisip, pinagtitiyagaan mo na lang pala siya.
• Ang pagsusuot ng red ay lalong nakakapagpatingkad ng iyong attractiveness, mga 10 times more.
• Ngumuya ng specific na flavour ng bubble gum habang nagre-review. Tapos ngumuya muli ng the same flavour habang nag-e-exam. Makatutulong iyon para matandaan mo ang iyong ni-review.
• Sa halip na sumagot ng “I know”, ang isagot mo ay “you’re right”. Maiisip ng kausap mo na kinikilala mo ang kanyang kakayahan kaya mabilis na kayong magkakasundo.
• Kapag sa gitna ng conversation ay nagiging atrebida na ang kausap mo. ‘Yun bang kinokonta na ang sinasabi mo at ang kanyang sinasabi lang ang tama. Huminto ka sa pagsagot sa kanya. Tumangu-tango ka lang. Tingnan mo kung hanggang saan tatagal ang conversation na siya lang ang nagsasalita.
• O kung tuluy-tuloy pa rin ang daldal, paglipat-lipatin mo ang iyong tingin sa kanyang baba, mata, pisngi, labi hanggang sa ma-conscious at makalimutan ang kanyang sinasabi.
• Kung kinukumbinsi mo ang iyong kausap, tiyakin mong nakatayo ka at nakaupo siya. Mas malaki ang tsansang maniwala siya sa iyo. (Itutuloy)
- Latest