^

Punto Mo

Weird facts tungkol sa iyong katawan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Kumukurap ang mata ng 20 beses kada minuto. Kaya sa isang taon ay kumukurap tayo ng mahigit na 10 milyong beses.

Ang tenga ay patuloy na lumalaki habang tayo ay nabubuhay.

Ang tutuli sa taynga ay isang uri ng pawis.

Ang dila ay may 8,000 taste buds na bawat isa ay nagtataglay ng 100 cells. Ang mga cells na ito ang tumutulong kaya natin nalalasahan ang pagkain.

Higit-kumulang na 40,000 liters ang napo-produce nating laway habang buhay.

Average na isang tasang sipon per day ang nailalabas kapag sinisipon.

Mas matangkad ka ng one centimetre sa umaga pagkagising kaysa bago ka matulog. Nako-compressed kasi ang soft cartilage ng ating katawan sa maghapong pag­tatrabaho kaya lumiliit bago matulog.

Ang muscle na hindi napapagod ay ang ating puso.

Mayroon tayong 2.5 million sweat pores.

Kada minuto ay may natatanggal na 30,000 dead skin cells sa atin.

Kung bibilangin ang lahat ng heart beats ng isang taong nabuhay hanggang 70 years old, ito ay aabot ng 2.5 billion heart beats.

Ang utot ng isang tao sa isang araw ay makakapuno ng isang party balloon.

Ang kuko sa kamay ay mas mabilis humaba kaysa kuko sa paa dahil nae-expose sa araw ang kamay kaysa paa. (Itutuloy)

vuukle comment

BODY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with