^

Punto Mo

Ang ginayang eksena

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAY isang 12 taon dalagita ang kinidnap ng tatlong ­kalalakihan sa liblib na lugar ng Africa. Ang mga lalaki ay ­illegal hunter ng leon, tigre at iba pang wild animals upang ibenta sa zoo o kompanyang nagpapalabas ng circus. Namataan nila ang dalagita na nanghuhuli ng isda sa ilog at nakursunadahang kidnapin. Isinakay ang dalagita sa malaking trak.

Habang tumatakbo ang trak ay nakatalon ang dalagita ngunit bahagya pa lang nakakalayo ay napansin siya ng mga lalaki. Matagal din silang naghabulan kaya’t sa sobrang pagod ay nadapa ang dalagita. Sisimulan na sanang halayin ng tatlong lalaki ang dalagita nang biglang sumulpot ang isang malaking tigre. Sa sobrang takot ng tatlong walanghiyang lalaki, napatakbo ang mga ito na hubo’t hubad.

Sa buong pagtataka ng dalagita, hindi siya ginalaw ng tigre. Naupo lang sa kanyang tabi na tila ba ginuguwardiyahan siya. Hindi niya magawang umalis dahil nabalian siya ng paa at hindi makalakad. Magdamag siyang binantayan ng tigre habang wala siyang tigil sa pagsambit ng Hesus…Hesus…Hesus.

Hindi niya kilala si Hesus. Napanood lang niya ito sa sinehan sa kabayanan nang minsang nagbenta sila ng mga ani sa palengke. Nagkataong nagpapalabas ng libreng sine ang mga Catholic missionaries sa kaisa-isang sinehan sa kanilang lugar at nakipanood siya.

Ginaya lang niya ang eksena ng bida sa pelikula na sinambit ang pangalan ni Hesus kaya hindi ito malapitan ng demonyo. Demonyo ang tingin niya sa tatlong lalaki na kumidnap sa kanya kaya ang alam niya ay ililigtas din siya ni Hesus laban sa mga ito. Wala na ang tigre nang matagpuan ang dalagita ng kanyang pamilya. Bagama’t nagtataka ang mga kaanak na naging maamo ang tigre , naniniwala sila na ipinadala iyon ng Diyos upang magligtas sa isang walang kalaban-laban na dalagita.              

vuukle comment

HUNTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with