^

Punto Mo

Alagang pusa, nag-graduate sa University of Texas!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pusa sa Austin, Texas ang sumali sa ­graduation ceremony ng unibersidad doon dahil present ito sa lahat ng online classes ng kanyang amo!

Ayon sa isang news agency, itinuring na “honorary student” ng University of Texas class of 2022 si Suki, isang one year old Tabby cat.

Dahil sa COVID-19 pandemic halos lahat ng klase ni Francesca Bourdier ay naganap sa pamamagitan lamang ng online classes. Dahil dito, madalas siyang samahan ng kanyang pusang si Suki.

Ayon kay Bourdier, umuupo sa tabi ng kanyang laptop si Suki at tila nakikinig ito sa mga lecture ng kanyang mga propesor.

Nang malapit na ang ­graduation ni Bourdier, naisipan niya na isali ang kanyang pusa sa kanilang graduation ceremony dahil kasama niya ito sa pagpasok sa lahat ng kanyang mga naging klase.

Upang magmukhang ­graduate ang alagang si Suki, bumili online si Bourdier ng maliit na graduation toga, cap at hood.

Nag-viral ang litrato ni Bourdier at Suki na suot ang kanilang graduation attire.

Masasabing kinilala ng University of Texas ang pag-graduate ng pusang si Suki matapos mag-comment ang official Instagram account ng unibersidad sa litrato ni Bourdier at Suki na nagsasabing “Congratulations to you both!”

vuukle comment

PUSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with