^

Punto Mo

Preso sa Paraguay, nakatakas nang magsuot babae!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

BALITANG-BALITA sa sa buong Paraguay ang tungkol kay “Gordito Lindo”, isang bilanggo na nakatakas sa kulungan dahil sa pagbabalatkayo bilang babae.

Noong Mayo 29, walang kahirap-hirap at malayang nakalabas sa front gate ng Tacumbu National Penitentiary si Cesar Ortiz. Kalakip ng kanyang kalayaan, nagkaroon siya ng bagong alyas bilang “Gordito Lindo na ang ibig sabihin ay magandang chubby. Ang bago niyang alyas ay nanggaling sa paraan niya kung paano siya tumakas sa kulungan.

Habang nasa conjugal visit si Ortiz, pumasok siya sa isang private room kasama ang isang accomplice na babae. Nakipagpalit siya ng damit sa babae at nagsuot nang mahabang wig, false eyelashes, lipstick, fake fingernails at facemask.

Sa tulong ng mga disguise na ito, pinalampas siya ng mga jail guards sa ilang checkpoints hanggang sa makalabas siya sa main door ng penitentiary.

Mabilis mang nakalaya si Ortiz, mabilis ding natunton ng mga awtoridad ang kanyang pinagtaguang lugar at sa loob ng dalawang oras, naaresto agad siya ng mga pulis.

Dahil dito, nasuspinde ang security officers na naka-duty nang maganap ang pagtakas. Inilipat naman si Ortiz ng ibang penitentiary at siguradong madadagdagan ang naunang sentensiya sa kanya na tatlong taon at siyam na buwan para sa kasong aggravated assault and robbery.

vuukle comment

PRESO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with