^

Punto Mo

Paghihiwalay ng ­mag-asawa, ­puwede bang ­pagkasunduan lang?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede po ba na kaming mag-asawa ay magpagawa ng affidavit o anumang kasulatan kung saan naka­lagay na hindi na kami nagkakasundo kaya hinahayaan na namin ang isa’t isa na maging malaya at mamuhay bilang single? —Danny

Dear Danny,

Nakalista sa Article 2035 ng Civil Code ang mga bagay na hindi maaring maging paksa ng isang kompromiso at ang ilan sa mga nakalista sa nasabing probisyon ay ang civil status at ang validity o bisa ng isang kasal.

Base sa nabanggit, malinaw na ipinagbabawal ng batas ang gusto n’yong mangyari. Isang kompromiso ang gusto mong ipagawa na affidavit samantalang ang nilalaman nitong kasunduan na ang bawat isa sa inyo ay malaya na at maari nang mamuhay bilang “single” ay patungkol sa inyong civil status at sa bisa ng inyong kasal.

Ipinagbabawal ang kompromiso ukol sa civil status at sa bisa ng kasal dahil tanging ang mga korte lamang ang may kapangyarihang magtakda o magbago ng civil status ng isang indibidwal at tanging korte lang din ang maaring magdesisyon ukol sa bisa ng kasal ng mga mag-asawa. Dahil korte lang ang maaring magpasya ukol sa mga bagay na nabanggit, hindi ito maaring maging paksa ng mga simpleng kasunduan lamang katulad ng gusto mong ipagawang affidavit.

Kung ipipilit mo na gumawa ng nasabing kasunduan o kung makahanap ka man ng gagawa nito, wala pa rin iyang bisa sa ilalim ng batas at hindi n’yo maaring gamitin ang inyong napagkasunduan bilang depensa sakaling masampahan kayo ng bigamy, concubinage, adultery, o iba pang mga kaso dahil sa kagustuhan n’yong mamuhay bilang “single”.

ASAWA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with