Ang epekto ng hitsura mo sa paningin ng ibang tao (Part 2)
ANG mga sumusunod na “human attractive facts” ay bunga ng pagsasaliksik ng mga psychologist sa U.S.:
Sa dalawang empleyadong parehong may magandang educational background at impressive job experience, mas nauunang tumaas ang posisyon at suweldo ng physically attractive kaysa less attractive. Ang tawag dito ay “beauty bias”.
Sa justice system, mas mababa ang sentensiyang natanggap ng isang presong may hitsura kumpara sa pangit na preso sa magkaparehong kaso.
Ang attractive na pulitiko ay mas maraming news coverage kaysa pangit na pulitiko.
Kahit wala pang kamalayan sa “beauty bias”, hindi sinasadyang mas pinipili ng isang bata ang kalarong malinis at may hitsura kaysa dugyutin.
Kapag nalantad sa isang babae kung ano talaga ang sukatan ng ideal body image, bumababa ang satisfaction niya tungkol sa kanyang sariling ganda.
Mas gustong ipalabas ng mga director ng news program ang tungkol sa napatay na attractive victim kaysa biktimang walang hitsura.
Nabanggit minsan ng Greek philosopher na si Aristotle: “personal beauty is a greater recommendation than any letter of reference.”
(Itutuloy)
- Latest