^

Punto Mo

EDITORYAL - Pagbuhay sa BNPP pag-aralang mabuti

Pang-masa
EDITORYAL - Pagbuhay sa BNPP pag-aralang mabuti

PINAG-UUSAPAN na ang pagbuhay sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP). Malaki raw ang maitutulong ng nuclear energy para sa pangangailangan sa kuryente. Nag-aalok na ng tulong ang South Korea kay president-elect Ferdinand Marcos Jr. ukol sa pagbuhay sa BNPP. Malaki raw ang magagawa ng Sokor sa BNPP kung bubuhayin ng bagong administrasyon.

Ipinatigil ng gobyerno ni President Corazon Aquino ang BNPP noong 1986 dahil sa maraming isyu at unang-una na ang kaligtasan ng mga residente sa paligid ng BNPP sa Morong, Bataan. Ang lugar umano ng BNPP ay nasa fault area na lubhang delikado kapag lumindol. Posibleng magkaroon ng leak.

Ikalawang isyu ay ang corruption. Nakatanggap umano ng kickback si dating President Ferdinand Marcos Sr. sa Westinghouse, ang kompanyang gumawa ng BNPP. Nang ginagawa na ang BNPP noong 1976, maraming tumututol at sunud-sunod ang pagra-rally. Malaking disaster umano ang lilikhain ng BNPP kapag nag-leak ang planta. Marami umanong mamamatay kaya hindi dapat ipagpatuloy ang BNPP. Layunin sa pagpapatayo ng BNPP ay ang magkaroon ng sapat na suplay ng kuryente. Mas mura umano ang kuryente mula sa nuclear energy.

Si President Duterte ay pabor na buhayin ang BNPP. Darating daw ang panahon na mauubos ang langis samantalang ang nuclear energy ay forever na. Hinihiling niya sa bagong administrasyon na buhayin ang BNPP. Tingnan daw mabuti ang kahalagahan sa pagbuhay sa BNPP. Bagama’t delikado raw ito gaya ng magkaroon ng leak sa nuclear plant sa Chernobyl sa Ukraine ilang taon na ang nakararaan, makaaasa naman nang pangmatagalang source ng kuryente.

Pag-aralang mabuti ng bagong administrasyon ang pagbuhay sa BNPP. Tingnan ang mga maaaring mangyari kapag nag-ooperate na. Ligtas ba talaga ito at hindi magkakaroon ng leak. Nararapat dumaan sa mahigpit na pagsusuri kung ipagpapatuloy ang BNPP. Hindi ito maliit na bagay kaya nararapat pag-isipang mabuti kung nararapat nga bang ipagpatuloy. Kunsultahin ang mga eksperto sa ibang bansa na gumagamit ng nuclear energy. Sila ang may kasanayan na sa paggamit ng nuclear energy kaya marami silang nalalaman ukol dito. Kung matitiyak ang kaligtasan ng BNPP, ito na ang hudyat para buhayin ang natulog na proyekto.

BATAAN NUCLEAR POWER PLANT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with