^

Punto Mo

Bakit nakangiti ang mga bangkay?

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

TATLONG bangkay na pulos nakangiti, mula sa magkakaibang lugar ang natagpuan ng mga pulis.

Naintriga ang hepe kaya inutusan niya ang isang tauhan kung anu-ano ang naging dahilan ng kanilang kamatayan.

Pagkaraan ng tatlong araw ay bumalik ang imbestigador bitbit ang mga detalye  ng kanyang imbestigasyon:

Unang bangkay: Isang 72 year old na mayamang lalaki. Inatake siya sa puso habang nakikipagtalik sa maganda, seksi, at 19-anyos na misis. Sino ba ang hindi mapapangiti sa ganitong sitwasyon?

Ikalawang bangkay: Lalaki, 32 years old, sidewalk vendor. Kapapanalo lang ng jackpot sa lotto ng lalaking ito nang binawian ng buhay. Ilang bote ng mga mamahaling alak ang tinungga niya nang gabing namatay siya. Noon lang niya natikman ang iba’t ibang masasarap na alak kaya napangiti siya sa oportunidad na iyon. Kaya lang ay napasobra ang inom, kaya namatay siya sa alcohol poisoning.

Ikatlong bangkay:  Pulitiko, 55 years old, tumatakbong congressman sa darating na halalan. Kasalukuyan siyang namimigay ng relief goods sa mga nasunugan nang tamaan siya ng kidlat.

“Ano naman ang kangiti-ngiti roon? Makukuha mo pa bang ngumiti kung tinamaan ka ng kidlat?” tanong ng hepe sa imbestigador.

“Sir, ang akala raw kasi ay kinukunan siya ng picture na pang-press release.”

CORPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with