^

Punto Mo

Ang raket ni alyas Adonis sa PRO2, bow!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

BIGYANG pansin natin ang raket ng isang police officer, na tawagin natin sa alyas na Adonis, dahil sa mahilig sa bebot. May asawa si Adonis at tatlong anak subalit nagtataka ang mga kosa ko kung bakit hindi n’ya mapigil ang kanyang sarili na maghuhumaling sa mga magagandang dilag. Ang problema lang, ang mga kinakalantari ni Adonis ay mga may asawa rin. Kahit saan ma-assign si Adonis ay bitbit niya ang kanyang raket kaya maraming pamilya ang nasisira. Sa ngayon, hepe si Adonis ng isang bayan na sakop ni PRO 2 director Brig. Gen. Steve Ludan. Di ba may batas ang PNP na bawal ang mambabae? Mismooooo! Kapag hindi tumino si Adonis, baka ma-dismiss siya sa ilalim ng internal cleansing program ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos, di ba mga kosa? Araguuyyyyy! Hak hak hak! Pag nagkataon, maging madilim ang kinabukasan ni Adonis at ang kanyang pamilya. Dipugaaaaa!

Ganito pala ang modus operandi ni Adonis, ayon sa mga kosa ko sa PRO2. Hinuhuli niya sa kung anu-anong paglalabag ng batas o trump up charges ang mga pino-project niyang bebot para magkakilala sila. Siyempre, kadalasan sa target ni Adonis ay ‘yung mga negosyante para walang kaltas sa suweldo niya dahil para kay original kasi ang take home pay. Get’s n’yo mga kosa? Kapag nahulog na ang loob ng target niya, siyempre pagkaperahan na siya ni Adonis. Maliwanag pa sa sikat ng araw na pera-pera lang ang lakad ng bida natin, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Hak hak hak! Pogi at malakas mambola siguro si Adonis at ayon sa mga kosa ko ay marami na siyang nabiktima. Mismooooo!

Dating na-assign sa Ilocos si Adonis at may balita na may naanakan siyang bebot doon. Tinakbuhan niya ang responsibilidad sa bata at nagpalipat sa probinsiyang sakop ng PRO 2. Kahit saan ma-assign, may nakakabit na problema sa bebot si Adonis, anang mga kosa ko. Nakilala niya itong huling biktima sa bayan ng Bagaw na sa ngayon ay nahuhumaling na sa kanya. Open secret na ang relasyon ni Adonis at ang kalaguyo niyang negosyante sa naturang bayan. Si babae? Hindi na nakikinig sa mga advice ng pamilya at kamag-anak niya dahil mukhang tumalab nang maigi ang gayuma ni Adonis sa kanya. May balita pa na planong hiwalayan na ni babae ang tunay na asawa para makasama ng tuluyan si Adonis. Araguuyyyyy! Hak hak hak! Tinamaan talaga ni Kupido ang bebot, ‘no mga kosa? Hihihi! Ang suwerte talaga ni Adonis! Mismooooo!

Ang masama lang niyan Gen. Carlos Sir, pati asawa ng bebot ay pino-project din ni Adonis. Habang sakay kasi ng motor ang asawa ng bebot, napansin niya ang isang lalaki na naka-motor din na panay sunod sa kanya kahit saan man siya mag-iikot. Ginawa ng asawa, binangga ang motor ng lalaki at kumaripas ng takbo kaya nakaligtas siya. Tumakbo rin palayo ang motor ng lalaki. Dipugaaaa. Buti na lang. Dapat sigurong umaksiyon na sina Gen’s. Carlos at Ludan para matigil na itong kahibangan ni Adonis. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Abangan!

vuukle comment

ADONIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with