^

Punto Mo

EDITORYAL - Ibasura ang Vape Bill

Pang-masa
EDITORYAL - Ibasura ang Vape Bill

MARAMING umaapela kay President Duterte na huwag nitong lagdaan ang Senate Bill No. 2239 o ang Vape Bill na ipinasa ng mga senador noong naka­raang Disyembre 2021. Ayon sa mga tutol sa Vape Bill, napakadelikado nito na walang ipinagkaiba sa siga­rilyo. Pagkakasakit ang hahantungan ng mga gagamit nito. Ang matindi pa sa panukalang batas na ito, binabaan pa ang edad ng mga kabataan na maka­bibili at makagagamit ng vape. Mula 21-anyos, ginawang 18-anyos ang puwedeng bumili.

Kahit saang anggulo tingnan, walang makitang magandang dahilan kung bakit inuna ng mga senador ang Vape Bill ganung marami naman ang dapat ipra­yoridad at ginawa pa nila sa panahon ng pandemya. Anong maidudulot ng vape at kailangan itong unahin?

Umalma ang health advocates at iba pang sector sa pagkakapasa ng Vape Bill. Sinabi ng mga doktor­ na delikado ito sa kalusugan. Mariing sinabi ng Depart­­ment of Health (DOH), ang panukalang batas ay kumukontra sa pinu-promote ng pamahalaan na mapangalagaan ang kalusugan ng publiko. Nagta­gum­pay na anila ang bansa para sa pagkontrol sa tabako pero nagkakandarapa naman para isulong ang paggamit ng vape.

Ayon sa mga eksperto, ang vape ay may chemicals na gaya ng nicotine, propylene glycol, carbonyls at carbon monoxide na nakaka-addict at nagiging dahilan­ ng cancer. Noong 2018, nakapagtala ang Pili­pinas ng kauna-unahang e-cigarette o vape asso­ciated lung injury na kinasangkutan ng 16-anyos na babae sa Visayas. Ayon sa report, second hand smoke ang tumama sa biktima na nalanghap sa mga kasama sa bahay na gumagamit ng vape.

Kamakalawa, nakiisa ang Deparment of Education­ (DepEd) sa panawagan na i-veto ni President Duterte ang Vape Bill. Panawagan ng DepEd sa presidente, protektahan ang kabataan sa bisyong ito.  Sa kasalu­kuyan, umabot na sa 48 medical groups ang humihiling sa presidente na ibasura ang kontrobersiyal na panukalang batas.

Magsama-sama ang lahat para mapahinuhod si President Duterte na huwag lagdaan ang Vape Bill. Labanan ang ganitong produkto na nakasisira ng buhay lalo ng kabataan. Iligtas ang kabataan sa bisyong ito.

VAPE BILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with