^

Punto Mo

Sari-saring household tips (Part 4)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Hugasan ang eczema ng maligamgam na chamomile tea. Nagtatanggal ito ng pangangati at inflammation.

• Haluan ng cinnamon powder ang tubig na ipangmumumog habang nagsesepilyo. Nagtatanggal ito ng bad breath.

• Ang pagkain ng pinya ay nakapipigil ng gingivitis, mouth disease at nakakatulong sa pagtunaw ng pagkain.

• Kumain lagi ng saging dahil ito ay may five-times more immune-boosting vitamin A kaysa mansanas. Kumain ng saging isang oras bago kumain. Mayroon itong resistant starch  na nagdudulot ng “busog na pakiramdam” sa mahabang oras. Kaya ang tendency ay kaunti lang ang kakainin mo pagsapit ng mealtime.

• Kapag sinabing “isang kurot” sa recipe, ang ipangkukurot mo ay hinlalaki, hintuturo at middle finger at hindi hinlalaki lang at hintuturo.

• Kapag nagpapalambot ng karne, huwag hahaluan ng asin ang tubig na pagpapakuluan dahil nakakapagpatagal ito ng pagpapalambot.

•  Pahiran muna ng suka ang kuko bago aplayan ng cutex. Patuyuin ang suka sa kuko, saka aplayan ng cutex. Ang resulta ay didikit na mabuti ang cutex at hindi kaagad matatanggal.

• Mas lalabas ang flavour ng fresh lemon juice kung hahaluan ito ng isang kurot na pinong asin bukod sa asukal na ihahalo mo dito.

• Mas mabilis maging yelo ang tubig na pinakuluan at pagkatapos ay pinalamig kaysa tubig mula sa gripo. Mainam itong gawin kung kailangan-kailangan mo na sa lalong madaling panahon ang yelo.



 

ECZEMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with