^

Punto Mo

EDITORYAL - Kumpul kumpol na rin ang mga ­magnanakaw

Pang-masa
EDITORYAL - Kumpul kumpol na rin ang mga ­magnanakaw

DAGSA na ang mga tao ngayon sa malls at shopping centers. Marami na rin ang nagtutungo sa mga parke, zoo at mga museum para mamasyal. Punuan na ang beaches at iba pang mga lugar. Marami na ring tao sa Divisoria at Quiapo para mamili. Marami nang kumakain sa mga restaurant. Nagsimulang dumagsa ang mga tao makaraang ilagay sa Alert Level 1 ang ­Metro Manila at 38 lugar. Sa mga darating na araw, tiyak na marami pang tao ang dadagsa sa iba’t ibang lugar dahil patuloy na sa pagbaba ang kaso ng COVID-19. Ngayong Marso, inaasahan na magiging 500 na lamang ang maitatalang kaso sa bawat araw.

Sa pagdagsa ng mga tao sa mga pasyalan at pamilihan, dagsa na rin ang mga kawatan. Dahil dalawang taon din natigil sa kanilang modus para makapagnakaw, atat na atat silang makapambiktima. At wala nang takot dahil kahit sa loob ng supermarket ng isang isang sikat na establisimento ay bumabanat.

Halimbawa rito ay ang nangyari sa ina ng aktres na si Nadia Montenegro na ninakawan ng walong miyembro ng Salisi Gang habang nasa loob ng isang sikat na shopping store sa Quezon City. Sa report ng QCPD, abalang nagsa-shopping ang ina ni Nadia noong Miyerkules nang paligiran ng walong tao na may mga shopping cart at naipit siya sa gitna. Pinagkalipumpunan siya ng mga ito.

Huli na nang malaman ng ginang na nawawala na ang kanyang wallet na may lamang P10,000, ATM cards at identification cards. Iglap lang daw at may nakapag-withdraw na agad ng P67,000 sa kanyang ATM. Agad nireport ng ginang sa mga kinauukulan ang nangyari. Noong Sabado, isa sa mga suspect ang sumuko. Tinutugis na ng QCPD ang pito pang ­miyembro ng Salisi Gang.

Hindi lang mga Salisi Gang ang sumasalakay ngayon kundi pati na rin mga holdaper, snatchers at mandurukot. Dagsa na sila kung saan maraming tao. Kailangang paigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabantay para maproteksiyunan ang mamamayan laban sa mga kawatan. Unti-unti nang nawawala ang COVID-19 at mga kawatan naman ngayon ang sumasalakay. Maging alerto habang nasa matataong lugar sapagkat wala nang kinatatakutan ang mga criminal ngayon. Kumpul-kumpol na sila ngayon.

THIEF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with