^

Punto Mo

Atong Ang, idinidiin sa kaso ng missing sabungeros?

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NAGING hot topic sa umpukan ng mga sabong afficionado na may naglagak ng P10 milyon na pondo para idiin ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang sa kaso ng missing sabungeros. Nakarating sa kaalaman ni Ang ang tsismis kaya siyempre nababahala siya, di ba mga kosa? Itong balita kaya ni Maritess ang naging dahilan kung bakit hindi sumipot si Ang sa Senate hearing kamakailan? Anong sey n’yo mga kosa?

Nangako naman ang liderato ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na parehas ang gagawing imbestigasyon sa kaso ng missing sabungeros. Kung totoo itong kumakalat na balita, wala namang ibang maglagak ng pondo para sirain si Ang kundi ang kalaban niya, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Hak hak hak Alangan namang mga kaibigan ni Ang ang magpondo eh nakikinabang sila sa kanya. Mismooooo!

Maraming suhestiyon si Sen. Bato dela Rosa, ng Senate committee on peace and order, para mapigilang madagdagan ang kaso ng missing sabungeros.  Hindi lang kasi nawawalang sabungero ang naging problema nitong online sabong kundi naging dahilan din ito para mawasak ang mga pamilya dahil nabaon sa utang ang mga mahilig magsabong at may mga kaso na nag-suicide pa. Dapat din umanong gawing kada-weekends lang ang online sabong, ani Sen. Bato, dahil ang operation nito na 24/7 eh nasisira ang diskarte sa oras ng mga kalalakihan sa kanilang mga trabaho.

Hindi lang ‘yan, may mga pulis pa nga tayo na nanghoholdap para lang may pangtaya sa online sabong kaya nabaon din sila sa utang. Hak hak hak! Maraming problema talagang dala itong online sabong kaya dapat tuldukan na ni President Digong ang operation nito bago lumala ang lahat, di ba mga kosa? Kaya lang mukhang naka-deliber na si alyas Great Sin sa mga alipores ni President Digong. Araguuyyyyy! Hak hak hak! Ano kaya ang ibig sabihin nito? Dipugaaaaa! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Noong Martes naging laman ng diyaryo, TV at radyo na sumang-ayon si President Digong sa suhestiyon ng Senado na suspendihin muna ang online at e-sabong sa buong Pinas habang iniimbestigahan ang kaso ng missing sabungeros. Kaya lang sa araw ding ‘yaon, binuksan ng mga kosa ko ang link ng Pitmaster ni Ang at tuloy naman ang sultada ng sabong. Sa katunayan, nagkaroon ang Pitmaster ng 354 fights sa araw na ‘yaon. Nang sumunod na araw, tuloy din ang sabong sa Pitmaster, sa Sabong Express at sa limang pang online sabong.

Kahapon naman may 334 sultada ang Pitmaster at 314 naman ang sa Sabong Express. Anong kalokohan ito? Paging Pagcor chairwoman Andrea Domingo! Kumilos ka at ‘wag mo na idahilan na walang police powers kayo. Di ipasa mo Ma’m Andrea ang trabaho kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Hak hak hak! Ang kaibahan lang, bumaba ang tayaan sa online sabong at mukhang nag-wait and see ang mga adik dito. Mismooooo!

Tsk tsk tsk! Lumalabas tuloy na hindi kayang sawatain ng gobyerno ni President Digong itong online sabong sa sobrang laki ng pitsa na umiikot dito. Hak hak hak! At higit sa lahat, ang tingin tuloy ng mga sabong afficionado ay bodabil lang itong Senate hearing sa missing sabungeros. Abangan!

vuukle comment

ATONG ANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with