Health tricks and tips (Last part)
Pantanggal ng stress:
Kumuha ng 2 or 3 piraso ng dahon ng laurel. Yes, ang dahong inihahalo natin sa adobo. Ilagay sa malinis na ashtray. Sindihan ang dahon. Ang dahon ay magsisilbing insenso. Hayaang kumalat ang usok sa kuwartong kinaroroonan mo sa loob ng 15 minutes. Langhapin ang fragrance. Ang fragrant ng usok na malalanghap ang magtatanggal ng stress.
Ayon sa pagsasaliksik ni Russian scientist Gennady Malakhov, ang amoy ng dahon ng laurel ang tumutulong upang mabawasan ang stress at anxiety. Sa ibang bansa, hindi lang ito sangkap sa pagluluto kundi ginagamit sa alternative treatments dahil sa kanyang medicinal properties.
Saging na may anti-cancer quality:
Piliin at kainin ang lakatan, latundan o kahit anong yellow banana na hinog at maraming “pekas”. Mas marami at maitim ang “pekas” mas mainam. Iyon ang palatandaan na ang saging ay nagtataglay ng sustansiya na kung tawagin ay Tumor Necrosis Factor (TNF) na may kakayahang tumunaw ng abnormal cells na pinagmumulan ng cancer cells.
Masustansiyang sabaw:
Ang pagkain ng sabaw mula sa pinakuluang buto-buto ng karne ay nakakalakas ng gastrointestinal system or bituka. Ang bituka ay itinuturing na second brain. Ang 90 percent ng “happy hormones” or serotonin ay nakaimbak sa bituka. Ang sabaw mula sa buto ay nakakapagpalusog ng ating bituka. Kailangan ang malusog na bituka para maging malusog ang ating utak.
- Latest



















