^

Punto Mo

Ang matagihawat na manliligaw

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ANG sumusunod na kuwento ay boluntaryong ibinahagi ng isang Diklap reader:

May restaurant sa Sampaloc, Maynila noong 70’s ang aking ina kung saan mga estudyanteng boarders ng katabing mga boarding houses ang aming suki. Maganda ang aming cashier, si Menchie, kaya hindi kataka-takang marami ang nanliligaw sa kanya. Isa sa nanliligaw sa kanya ay guwardiya sa isang unibersidad na nangungupahan sa isa sa mga katabing boarding house.

Sa dinami-dami ng kanyang manliligaw na karamihan ay mga may hitsura, marami ang nahiwagaan kung bakit ang nagustuhan nito ay ang guwardiya na matagihawat na ay antipatiko pa. Ang limang tauhan ng aming restaurant na pulos mga babae ay sa aming bahay nakatira. Kaya ang mga inireregalo ng guwardiya kay Menchie noong hindi pa niya ito sinasagot ay aking nakikita. Napapansin ko na laging pagkain ang ibinibigay nito: cake, chocolate, native kakanin o prutas mula raw sa probinsiya nito.

Minsan naidaing nito sa aking ina na lagi raw siyang balisa sa gabi at hindi makatulog. Tapos hindi raw matanggal sa isipan niya si Popoy, pangalan ng boyfriend niyang guwardiya. Ewan naman at biglang nasambit ng aking ina ang mga katagang ito, “Baka ginagayuma ka ni Popoy. Nakakapagtaka kasi, di hamak na mas pogi si Jojo at gentleman pero si Popoy ang nagustuhan mo na bukod sa ngetpa ay yayabangin pa kung umasta. Teka tatawagan ko ang aking tiyuhing albularyo na taga-Caloocan para malaman natin kung ginagayuma ka”.

Pumunta sa Sampaloc ang tiyuhing albularyo ng aking ina. Ang instruction nito ay humingi ng pagkain si Menchie sa kanyang boyfriend nang araw ding iyon. At ganoon nga ang nangyari, mabilis pa sa kidlat na ibinili ito ng palabok na may kasama pang sago’t gulaman. Umalis naman agad ang boyfriend dahil naka-duty pa ito sa binabantayang unibersidad. Babalik na lang daw ito kinagabihan.

Sa pamamagitan ng sikretong kaalaman ng albularyo, na-diagnose nito na ang pagkaing ibinigay ng boyfriend ay may kahalong gayuma. Totoong ginagayuma si Menchie na nagdudulot ng pagkabalisa nito sa gabi. Kung hindi naagapan ay baka maloka ito at maging “lutang” forever.

Kinagabihan na dumalaw ang boyfriend, ito ay pinakain ni Menchie ng halo-halo. Paborito niya itong orderin sa aming restaurant kapag bumibisita. Pati si Menchie ay kinailangang kumain din ng halo-halo. Pagkaubos ng halo-halo ay agad nag-iba ang timpla ni Popoy. Naging “cold” kagaya ng halo-halo. Sumama raw ang kanyang pakiramdam, dahilan nito.

Simula noon hindi na ito nagpakita kay Menchie. Basta na lang, nawalang parang bula. Ang halo-halo pala ay hinaluan ng magic potion ng albularyo kung saan ang epekto ay pareho silang mawawalan ng gana sa isa’t isa. Malala ang potion na inihalo kay Popoy, pangit na babae ang magiging tingin niya kay Menchie at hindi nito gugustuhin pang balikan ito. At ganoon nga ang nangyari. And Menchie live happily ever after, pagkaraang mawala siya sa kuko ng matagihawat na boyfriend.

SUITOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with