^

Punto Mo

Misteryo sa kaso ng mga missing sabungero, huhubaran ng CHR!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

LUMALAKI ang sunog dito sa kaso ng mga missing sabungero. Pumasok na kasi sa kaso ang Commission on Human Rights at nangako si CHR spokeperson Atty. Jacqueline de Guia na gagawa sila ng paraan para hanapin ang katotohanan sa pagkawala ng mga sabungero matapos magsabong sa mga sabungan malapit sa Metro Manila. 

“Ang sapilitang pagkawala o pagkulong sa kaninuman ay paglabag sa karapatan at kalayaan ng isang indibidwal. Hangad rin namin ang pagbalik ng mga nawawala at hustisya para sa pangyayaring ito,” ang giit ni De Guia. Ayon kay de Guia nababahala ang CHR sa pagkawala ng aabot sa 26 sabungero, ang isa rito ay buntis na babae, mula pa noong nakaraaang taon.

Sa totoo lang, naunang nag-imbestiga sa kaso ang Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police (PNP) subalit, ayon kay De Guia, hindi pinaunlakan ng mga imbestigador ng CIDG ang kanilang request na bigyan sila ng mga nakalap nilang statements ng witnesses at iba pang dokumento sa kaso. Araguuyyyyy! Hak hak hak! Nagmukhang may itinatago ang taga-CIDG, di ba mga kosa? Hihihi! Kaila­ngan pa bang i-memorize ‘yan?

Para sa kaalaman ni De Guia, ang isa sa nga nawawalang sabungero ay si Ricardo Ricafort Lasco, 44, na isang master agent ng Online Sabong na Pitmaster. Kinidnap s’ya ng mga kalalakihang nagpakilalang taga-NBI sa kanilang bahay sa CG Brion, Bgy. San Lucas 1 sa San Pedro City, Laguna noong Agosto 30, 2021. Sa backtracking ng police team sa pamumuno ni Lt. Col. Garry Alegre sa kuha ng CCTV footage ang tatlong getaway vehicles na ginamit ng mga suspects ay ang silver-gray na Hyundai Starex (AAK 4585), blue Toyota Fortuner (NAI 3194) at Toyota Hi-Ace van (ABS 7961).

Nakipag-coordinate na si Alegre sa Land Transportation Office (LTO) para makilala ang may-ari ng tatlong behikulo. Araguuyyyyy! Ayon sa live-in partner ni Lasco na si Princess Montañez ang mga kalalakihan ay lahat may suot na gloves nang isinagawa ang kidnapping. Ayon sa initial inventory, nakulimbat ng mga suspects ang walong celfones, assorted jewelries na nagkakahalaga ng P500,000, cash money P180,000, assorted IDs at bags. Naglalaman kaya ng milyones ang mga bag? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hak hak hak! Baka may alam ang mga Maritess d’yan. Mismooooo!

Sinabi naman ni Col. Jean Fajardo, PNP spokeswoman, na kaya hindi kaagad nila maibigay ang nakalap nilang dokumento sa CHR ay dahil sa pinapairal nila ang polisiya ng PNP. Ayon kay Fajardo, ang gagawin lang ng CHR ay sumulat sila sa CIDG at presto... mabibigyan na sila ng lahat ng gusto nilang dokumento. Dipugaaaa! Open secret na sa mga sabong afficionado kung sino ang nasa likod nitong kaso ng missing sabungero subalit tikom ang bibig nila. Siyempre, naging laman na ng usap-usapan kung sino ito. Hak hak hak!

Kaya kayang banggain ng taga-CIDG ang bigtime na gambling lord? Eh pader ito at maraming padrino sa gobyerno, di ba President Digong Sir? Kaya lang, baka may ibang sistema ang CHR sa kanilang imbestigasyon at mahubaran nila ang nasa likod ng krimen. Hak hak hak! Tingnan natin kung paano lulutasin ng CHR ang kaso ng mga missing sabungero. Dipugaaaaa! Abangan!

JACQUELINE DE GUIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with