Survey: 60% ng mga lalaking hapones ay nakaupo kapag umiihi sa toilet!
KILALA ang Japan sa kanilang mga high-tech na toilet. Maraming kumpanya doon ang nagtatagisan sa paggawa ng mga toilet na may makabagong features tulad ng built-in wifi, self cleaning at air drying.
Kaya para maging relevant sa mga consumer, nagpapa-survey ang mga toilet manufacturers doon upang mapulsuhan nila kung anong klaseng toilet ang ilalabas nila sa merkado.
Dahil sa mga survey na ito, natuklasan na 60.9 percent ng mga kalalakihang Japanese ay umuupo sa toilet kapag sila’y umiihi!
Ayon sa isang magazine article, nagsimula ang “trend” ng pag-upo sa mga kalalakihang Japanese noong 90s at tinawag nila itong “Suwari-shon”. Ito ay wordplay mula sa mga salitang Suwari na ang ibig sabihin ay umupo at Shonben na ang ibig sabihin ay urine.
Ang nasabing survey ay isinagawa noong Disyembre 2021 ng kompanyang Lion Corp. na may 1,500 respondents. Ayon sa 49 percent ng respondents, nitong mga nakaraang taon lamang sila nakumbinsi na umihi nang nakaupo samantalang ang 11.9 percent naman ay umamin na nakaupo na sila kapag umiihi simula pa noong sila’y bata pa.
Lumabas din sa survey na ang dahilan ng pagtaas ng ‘‘Suwari-shon’’ sa mga lalaking Japanese ay umiiwas sila na labis na marumihan ang toilet. Ilan pa sa lumabas na dahilan ay gusto nilang makagamit ng smartphone habang umiihi.
- Latest