^

Punto Mo

‘Secret’ ng mga seksing sikat

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Cameron Diaz: Kaya raw nanatili ang kaseksihan ng aktres sa kabila ng edad na 49 ay dahil napakaingat sa pagkaing isinusubo niya sa kanyang bibig. Oo, maingat sa ipinapasok sa bibig ngunit walang ingat sa mga salitang inilalabas ng kanyang bibig – sa madaling salita, mahilig siyang magmura.

Katy Perry: Hindi lang mahilig, matakaw ang angkop na gamitin…matakaw sa junk foods. Madalas din siyang nakikitang kumakain sa fast foods. Hula ng marami, ang mga pagkaing kinahihiligan niya ang dahilan ng kanyang pagiging mainitin ang ulo.

Hale Berry: Lagi niyang kinakagat ang kanyang lips kaya nagpuputok-putok ito. May nagpayo sa kanya na lagyan daw ito ng lip balm pero lalo lang niya nagustuhan na kagat-kagatin ang kanyang lips.

Jennifer Aniston: Mahilig siyang mang-hoard ng iba’t ibang make-up. Sa sobrang dami, hindi na niya magamit lahat at nananatiling nakatago sa kanyang drawer. Inamin niya sa isang interview na ang make-up na binili niya 10 years ago ay nasa drawer pa rin niya. Ang shelf life ng cosmetics ay 6 months to one year lang. Dapat nang itapon ito kung lalampas sa takdang shelf life, dahil kung hindi, malamang na panis na ito at pinamamahayan na ng bacteria.

Jennifer Lopez: Hindi siya good listener. Inaamin naman niya ang masamang ugaling ito. Kung kailan kasi may kausap, saka niya naiisip ang mga problema niya, kaya nawawalan siya ng focus sa kanyang kausap.

Britney Spears: Kinakagat niya ang kuko kapag ninenerbiyos.

“The best cure for one’s bad tendencies is to see them in action in another person.” — Alain de Botton

vuukle comment

CAMERON DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with