Baboy na marunong magpinta, nakapagbenta ng kanyang painting sa halagang 20,000 Euros!
NOONG 2016, ni-rescue ng animal rights activist na si Joanne Lefson ang noo’y biik pa lamang na si Pigcasso mula sa isang industrialized hog farming facility sa South Africa.
Unang araw pa lamang ni Pigcasso sa animal shelter na Farm Sanctuary, nakitaan na siya ni Lefson ng hilig sa pagpinta dahil ang unang nilaro nito ay mga paint brush.
Dahil marunong si Pigcasso na humawak ng paint brush gamit ang kanyang bibig, sinubukan ng mga tao sa shelter na bigyan ito ng canvass at pintura. Nagulat na lamang sila na nakagawa ng abstract painting si Pigcasso.
Taong 2018 nang ilunsad ang mga obra ni Pigcasso sa isang exhibition na pinamagatang ‘OINK’ kung saan nakalikom ng 128,000 euros mula sa kanyang paintings.
Ngayong 2021, naibenta sa isang auction ang painting ni Pigcasso na pinamagatang “Wild and Free” sa halagang 20,000 euros (katumbas ng P1.2 milyon).
Maituturing na record breaking ang pagkakabenta nito dahil ito ang pinakamahal na painting na gawa ng isang hayop.
- Latest