Mandaleños, may maagang pamasko kay Mayor Abalos!
UMABOT sa 350,000 kahon ng grocery ang ipinamudmod ng city government ng Mandaluyong bilang bahagi ng kanilang “Pamaskong Handog” sa kanilang constituents sa panahon ng Pasko. At dahil nagbabanta pa ang pandemya, ang pamamahagi ng grocery boxes ay ginawang door-to-door “ayuda style” para maiwasan ang kinakatakutang Omicron virus. Iginiit ni Mayor Menchie Abalos na lahat ng nakatira sa Mandaluyong City tulad ng nakikitira, o nagrerenta o ‘yaong nasa condominium at apartment ay makakatanggap ng pamasko ng siyudad. Naniniwala si Abalos na ang gift-giving activity ng City government ay makapagbigay ng pag-asa at ligaya sa Mandaleños nitong Christmas season. Hihihi! Meron ba ang taga-MERPO d’yan Mayor Abalos M’am? Dipugaaaaa!
Pinangunahan ni Mayor Abalos ang symbolic distribution ng grocery boxes sa Barangay Mauway itong Dec. 12. Siyempre, dumalo rin sa naturang event ang iba pang city officials. Itong “Pamaskong Handog” ay sinimulan ni dating Comelec chairman Benjamin Abalos Sr., noong 1986 nang siya pa ang mayor ng siyudad. Simpleng mga goodies na inilagay sa bucket ang simula nito at ipinagpatuloy na ng City government bilang Christmas activity, lalo na ngayong panahon ng pandemic.
Dati-rati, itong “Pamaskong Handog” ay ginagawa sa City Hall compound subalit minabuti ni Mayor Abalos na ideliber na ito sa pintuan ng mga tahanan nang 2020 para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Kahit nasa Alert Level 2 na ang Metro Manila, pinili ni Mayor Abalos na ipamudmod ang grocery boxes “ayuda style” bunga sa panganib na dala ng Omicron variant. “This pandemic is far from over. We still want to minimize the movement of people so that our cases will remain low,” ani Mayor Abalos.
Sa hindi pa inabot ng ayuda ni Mayor Abalos, ‘wag mainip dahil hindi isasara ang programa hanggang ang lahat ng Mandaleño ay makatanggap ng biyaya ng “Pamaskong Handog.” Get’s n’yo mga kosa? Hihihi! Dahil babalik sa dating puwesto niya ang matandang Abalos, tiyak tuloy-tuloy lang itong pagbibigay ng grocery boxes sa tatlong kasunod pang taon, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!
Naungkat na din lang ang pandemya, abaaaa umabot na sa 1 milyon ang nabakunahan na residente ng siyudad. Ang mapalad na residente na si Alvin Fundador, 15, ay binigyan ni Mayor Abalos ng certificate of recognition at gift certificate bunga sa s’ya ang tumanggap ng one-millionth jab. Hihihi! Nailigtas na sa virus me premyo pa si Fundador na nakuha ang kanyang first dose sa Shangri-La Red Carpet Cinema vaccination site.
Nitong huling linggo, ang siyudad ay nakalista ng isang kaso ng COVID-19, at pinasalamatan ni Mayor Abalos ang Mandaleños bunga sa taimtim nilang pagsunod ng alituntunin ng IATF para makaiwas sa virus. “I am now reminding those who are eligible to get their booster shots to get it right away,” ani Mayor Abalos. “The Omicron variant is a new threat but the vaccines we have right now can protect us from it.” Hihihi! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan” Dipugaaaaa! Abangan!
- Latest