^

Punto Mo

Subpoena, katumbas ba ng warrant of arrest?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nakatanggap po ako ng subpoena mula sa prosecutor’s office. Ito na po ba yung tinatawag na warrant para arestuhin ako? Ayoko po kasing makulong at payag naman po ako makipag-areglo sa nakaalitan ko. — Mike

Dear Mike,

Iba ang subpoena sa warrant of arrest. Ang subpoena, kapag ang pinag-uusapan ay mga kriminal na kaso, ay ipinapadala ng nag-iimbestigang piskal sa respondent ng isang criminal complaint bilang bahagi ng preliminary investigation. Kadalasang kasama sa subpoena ang reklamo at ang utos na magsumite ka ng iyong counter-affidavit kung saan maari mong pabulaanan ang krimeng iniaakusa sa iyo. Kailangan mo ring isumite kasama ng counter-affidavit ang mga dokumento at iba pang mga ebidensiya na susuporta sa iyong depensa.

Kahit willing ka makipag-areglo ay maipapayo ko sa iyo na kumuha ka na kaagad ng abogado na hahawak at mag-aaral sa iyong kaso. Sa preliminary investigation kasi titingnan ng fiscal kung may sapat bang dahilan upang isampa sa korte ang kaso. Kapag nakita ng piskal na may sapat na ebidensiya ang nagreklamo sa iyo ay iaakyat na niya ang reklamo sa korte upang masimulan na ang paglilitis sa iyo.

Hindi ka naman kaagad makukulong sa ngayon dahil katulad ng nabanggit ko, pag-aaralan muna ng fiscal kung may sapat bang ebidensiya ang nagrereklamo sa iyo. Titimbangin din niya ang anumang depensa na ilalatag mo at saka lamang siya magdedesisyon kung  aakyat ba ang kaso sa husgado. Kung iniakyat niya ang kaso ay saka ka lamang maaring maisyuhan ng warrant of arrest ng korte upang ikaw ay ipaaresto at ipakulong.

SUBPOENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with