Bakit okey maging single forever?
1. Isang schedule lamang ang priority mo.
2. Malaya mong magagawa ang mga gusto mong gawin.
3. Kinakaya mong gawin mag-isa ang lahat ng bagay kahit trabahong panlalaki. Bunga nito, nagkakaroon ka ng pagpapahalaga sa sarili mong lakas. The greater the struggle, the greater the saticfaction.
4. May napagtitripan ang mga kamag-anak mo tuwing may family events. “E, kailan ka naman mag-aasawa?”. At least, nagiging source of ‘entertainment’ sa kanila ang pagiging single mo.
5. Wala kang bubuhaying hindi mo kaanu-ano. Kapag mahirap lang ang iyong napangasawa, asahan mong ang 50 percent ng kikitain ninyong mag-asawa ay mapupunta sa ‘charity for in-laws’.
6. Hindi ka mag-aalalang may matu-turn off kapag nagsuot ka ng “granny panties” o panty na pang-lola (maluwang at malaki). Maginhawang isuot sa bahay ang ganitong klaseng underwear.
7. Sarili mo lang ang iyong iniintindi kaya marami kang oras para alagaan mo ang iyong sarili. Kung may karelasyon, inuuna mo siya kaysa sarili. Kapag iniwan kang duguan ang puso, saka mo lang maiisip na naging unfair ka sa iyong sarili.
8. Laging favourite foods mo ang iyong kinakain. Kung may karelasyon at minsan ay kulang sa budget, ‘yung favourite food na lang niya ang iyong bibilhin o lulutuin. Martir baga ang peg.
9. Hindi na kailangang mag-effort na mag-ayos sa lahat ng oras. Kung single, pwedeng matulog kahit hindi nagsepilyo. Puwede nang ipagpabukas ang pag-ahit ng buhok sa kilikili.
10. Magpagulung-gulong ka man sa iyong bed dahil malikot kang matulog, hindi ka mag-aalalang may katabi kang masasaktan.
11. O, kabaliktaran, walang sasapok o babatok sa iyo sa kagitnaan ng pagtulog dahil ang partner mo pala ay bayolenteng managinip.
12. You can poop and fart openly and shamelessly.
13. Makakatulong ka sa pinansiyal na pangangailangan ng pamilya mo nang walang kukuwestiyon sa iyo.
14. Mas malaki ang tsansang makaipon para sa pagtanda. Kung may asawa kasi, hanggang sa kaapo-apuhan ay ginagastusan mo. Magigising ka na lang isang araw na ubos na ang naipon para sa pagtanda.
“Alone time doesn’t have to be lonely. It’s actually the best.” – unknown
- Latest