^

Punto Mo

Life hacks

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Sobrang sakit ng ulo? Sa halip na uminom ng painkiller, kumain ng spinach. Magnesium ang ipinaiinom sa Emergency Room kapag may migraine attack ang pas-yente. Mayaman sa magnesium ang spinach at taglay din nito ang riboflavin.

2. Kung may sore throat, ngumuya ng cucumber. Palalamigin nito ang lalamunan para matanggal ang pangangati.

3. Feeling down ? Pagandahin ang mood sa pamamagitan ng pagkain ng oatmeal, cereal, salmon, milk, dark chocolate or bananas.

4. Uminom ng chamomile tea kung hindi makatulog. Ito ang itinuturing na epektibong natural insomnia cure. Taglay nito ang Apigenin, isang antioxidant na nakakabawas ng anxiety at mabilis magpaantok. 

5. Mga pagkaing nagpapatalas ng isipan: walnut, salmon, turmeric, blueberries, kamatis, broccoli, mansanas, spinach, onions, green tea.

6. Ang simpleng pagpapaliwanag sa mga bata ng pagkakaiba ng  “good secret” at “bad secret” ay ganito: Ang “good secret” ay may petsa kung kailan dapat ipaalam – sorpresang regalo sa Pasko, sorpresang birthday party, kailan darating ang iyong daddy o mommy na nagtatrabaho sa ibang bansa. Ang “bad secret” ay habambuhay na isinisekreto kagaya ng sexual abuse. Ang “bad secret” ang dapat isumbong ng mga bata sa kanilang pinagkakatiwalaang nakatatanda  kahit pa tinatakot sila ng kanilang “abuser” na huwag itong ipagsabi.

7. Kung dadalhin sa veterinary clinic ang iyong aso, bidyuhan mo muna ito habang siya ay umuubo, nanghihina, papilay-pilay kung lumakad o anumang kilos na nagpapakitang masama ang pakiramdam nito. Kung minsan, kapag nasa clinic, saka naman hindi magpapakita ng mga sintomas ang iyong pet.

 

vuukle comment

EMERGENCY ROOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with