^

Punto Mo

Kagaya ng rubber tree

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

WALA siyang matatag na hanapbuhay. Pasama-sama lang siya sa mga kumpareng construction worker para magpiyon. Pero hindi siya nakuntento sa pagiging piyon lamang, kinakaibigan niya ang mga tubero, electrician at taga-pintura ng bahay para turuan siya kung paano gawin ang kanilang mga trabaho.

Una niyang natutuhan ay pagpipintura ng bahay. Palibhasa ay masipag at matiyaga, na-ging mahusay siya sa trabahong iyon. Siya na ang ipinapadala ng kanyang boss na engineer sa construction site para mag-supervise sa pagpipintura.

Sunod niyang inaral ay ang pagtutubero. Sumasama siya sa mga kaibigang tubero at nagpiprisintang maging assistant ng mga ito kapag nangongontrata sa mga ginagawang condominium.

Ang huling inaral niya ay ang pagiging electrician. Sa puntong ito ay nag-aral na siya sa TESDA. Kuryente na ang tatrabahuhin niya at delikadong umasa lang siya sa pawido-wido lang o turo-turo lang ng mga kaibigan. Maayos na ang kanyang buhay sa kasalukuyan dahil tatlo ang skills na pinagkakakitaan niya.

Kagaya siya ng  rubber tree. Akala raw ng rubber tree ay isa lamang siyang puno na kaun-ting madaplisan ng matalas na bagay ay lumuluha ng dagta. Akala nito ay ganoon lang siya. Pero natuklasang ang dagta pala ay tumitigas at kayang maging partner ng lapis bilang eraser.

Nang magtagal ay puwede pala itong maging matigas na rubber para maging gulong ng mga sasakyan. Walang katapusang pagtuklas ng kagalingan. Pagkatapos ng gulong ay ginawa itong surgical gloves at condom. Kung bibigyan natin ng pagkakataon ang ating sarili, hindi lang isa ang kaya nating gawin…marami pala, kagaya ng rubber tree.

vuukle comment

TREE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with