^

Punto Mo

Gen. Baccay, da best sa PCR sa Metro!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

DOUBLE whammy ang naiuwing awards ng Eastern Police District (EPD) sa 26th Police Community Relations (PCR) month, na ayon kay Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar ay pagkilala sa todo-suporta ng mga stakeholders at private sectors sa PNP.

Nanguna ang EPD dahil sa kanilang sangkatutak na suporta o ayuda sa mga residente ng eastern Metro Manila, tulad ng pagpagawa ng bahay, community pantry at iba pang advocacies sa tulong ng force multipliers, religious sectors at barangays.

Nasungkit ni EPD director Brig. Gen. Matthew Baccay ang Best PCR (district level), samantalang si Maj. Eric Cister, ang OIC ng EPD PCR ang Best Junior Police Commissioned Officer. Siyempre, marami pang ginawaran ng awards sa iba’t ibang PNP regions sa seremonya sa Camp Crame na ang guest speaker ay si Interior Assistant Sec. Manuel Felix, na humalili kay DILG Sec. Eduardo Año.

“Marami nang nagawa ang ating kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapan at kaayusan sa bansa. Your commitment to your sacred duties has resulted to significant decrease in our national crime rate,” ani Felix. “However, no matter how effective our efforts are in crime reduction, we still need the cooperation and benevolent support of the public to continuously enjoy a progressive justice system,” ang dagdag pa ni Felix. Hehehe!

Kailangan talaga ng suporta ng stakeholders at civic groups itong ating PNP para maisa­katuparan ang safe at progressive communities sa bansa. Dipugaaaaaa! Puede na bang RD si Gen. Baccay, ha Gen. Eleazar Sir? Bonggaaaaaa!

Ang 29th anniversary ng PNP-Police Community Affairs and Development Group (PCADG), na may temang «Pulisya at Pamayanan, BARANGAYanihan sa Hamon ng Pandemya at Laban sa Krimen,» ay naglalayon na palakasin at pagbuklurin ang nagkakaisang mamamayan at pulisya para sa maayos, ligtas at maunlad na Pinas sa kabila ng pandemya at problema sa kriminalidad, ani Felix.

Sa naturang programa, na ginanap sa Camp Crame, nagkaroon ng visual na presentasyon ng police community relations at iba’t-ibang tagumpay ng PNP sa pagbuo ng ligtas at maunlad na komunidad sa bansa. Pinuri ni Felix si Eleazar bunga sa kanyang Intensified Cleanliness Police kung saan naging presentable ang mga pulis sa mata ng mga Pinoy. Dipugaaaaaa! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sinabi naman ni Eleazar na ang PNP sa ngayon ay nagbibigay ng malaking importansiya at komunidad, maging sa pagkuha ng kanilang suporta, at kooperasyon para itulak paitaas ang tiwala at kumpiyansa ng mga Pinoy sa kapulisan. Nang sa gayon, magiging mabisa ang lahat ng police operations na isasagawa ng PNP, lalo na sa laban kontra droga, kriminalidad at terorista.

“To our partners in enhancing the capabilities of each PCR personnel, the stakeholders and the private sectors, thank you very much for your support. Rest assured of our continuing mutual goal in attaining peace and order in our country,» ani Eleazar.

Hinikayat ni Eleazar ang PCR family na ipagpatuloy ang magandang samahan sa kanilang stakeholders at civic at religious organizations para sa ikabuti ng kanilang kampanya laban sa droga, krimen at terorista. Mabuhay ka Gen. Baccay Sir! Dipugaaaaa! Abangan!

EASTERN POLICE DISTRICT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with