Pagtatanim ng kahoy sa watersheds, right on track! – Velasco
DAHIL sa pandemya, hindi nakamtan ng Annual Million Trees Challenge (AMTC) ang primary goal nila na magtanim ng punongkahoy sa watersheds noong 2020 subalit hindi nababahala si Metropolitan Waterworks and Sewerage System chairman Reynaldo Velasco dahil on the right track sila sa kanilang target sa loob ng limang taon. Sinabi ni Velasco na nangako ang kanilang AMTC partner stakeholders na magtatanim sila ng mahigit 1 milyon na kahoy sa taon na ito para mapunuan ang pagkukulang nila sa 2020.
Marami kasi sa kanilang program partners ang nag-postpone ng kanilang tree-planting activities dahil sa kasagsagan ng COVID-19 kaya umabot lang sa 633,442 na punongkahoy lang ang naitanim ng nakaraang taon, ani Velasco, na acting administrator din ng MWSS. Hindi nabahala si Velasco sa konting setback na ito dahil alam niya na makakamtan nila ang target na pagtanim ng limang milyong kahoy sa loob ng limang taon. Mismooooo! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Ang AMTC kasi ay nailunsad ni Velasco noong 2017 para tamnan ng kahoy ang mga kalbong watersheds nang sa gayon ay mapigilan ang pagbaha nang malaking bahagi ng eastern Metro Manila at iba pang lugar sa bansa. Sa naturang taon, umabot sa 1,337,800 kahoy ang naitanim sa watersheds sa Angat, Ipo, Kaliwa, La Mesa, Laguna Lake, Umiray at Upper Marikina, kasama na ang Manila Bay.
Noong 2018 umabot sa 1,027,467 kahoy ang naitanim at 1,022,917 naman sa 2019 sa mahigit 9,509.375 ektarya ng kalbong watersheds, ani Velasco. “One of the remarkable accomplishments of AMTC is increasing the forest cover of Ipo Watershed from 43 percent in 2017 to 81 percent in 2020,” ang dagdag pa ni Velasco, sabay sabing ang AMTC ay mahigpit na pinangasiwaan ang pag-alaga ng “sapling trees” na halos tatlong taon kung i-maintain at i-sustain.
Sa taon na ito nangako ang mga AMTC partner stakeholders tulad ng MWSS na magtanim ng aabot sa 140,000 na kahoy; MWSS-RO 23,000; Manila Water 70,000; Maynilad 20,000; Bulacan Bulk Water 20,000; DENR 3 43,000; DENR 4A-PENRO Rizal 350,000; LLDA 100,000; Camp Nakar LGU 50,000; ALKFI-BL 40,000; WWF Philippines 60,000; Boy Scout of the Philippines 50,000; Bambuhay- Anak ni Inang Daigdig 60,000; JCI Senate Philippines 2,000, at Rotary International District 3780 5,000. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Hindi lang pagbaha ang layunin ng MWSS sa kanilang five-year watershed rehabilitation program kundi “to restore the health of seven critical watersheds that are crucial in supplying water to Metro Manila and neighboring provinces,” ani Velasco. Ang programang ito ay para suportahan din ang National Greening Program ng gobyerno ni President Digong sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Para isulong ang programang ito, inilunsad ang Million Trees Foundation Inc., (MTFI), na naging official NGO partner ng MWSS at DENR. Get’s n’yo mga kosa? Sa kasalukuyan, ang mga kasamang institutional partners ng MTFI ay sina San Miguel Corporation President and CEO Ramon S. Ang, Manila Water President and CEO Enrique K. Razon, Maynilad President Ramoncito S. Fernandez at ang Prime Infra. Abangan!
- Latest