^

Punto Mo

Lalaki sa China, inaresto matapos makakulimbat ng milyones sa 20 girlfriends!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

IBINALITA kamakailan ng Chinese news agencies ang tungkol sa isang lalaki na pinagsabay-sabay gawing kasintahan ang 20 kababaihan at huthutan ang mga ito ng milyun-milyong salapi sa loob lamang ng dalawang taon!

Noong Marso 20, 2021, isang babae, na itinago sa pa-ngalang Xiao Mei, ang dumulog sa Zhengzhou police station sa Henan province para ireklamo ang kanyang boyfriend na nang-scam sa kanya ng mahigit 9 million yuan (katumbas ng P67 million). Ang inakusahan ay nagngangalang Zhang Nan na nagpakilalang Xiao Mei at diumano’y apo ng makapangyarihang pulitiko.

Hindi na bago sa China ang mga “love scams” pero ang ipinagkaiba ng kasong ito, 20 kababaihan ang pinagsabay-sabay i-scam ni Zhang Nan!

Nagsimula sa maliit na halaga ang mga hinihiram na pera ni Zhang Nan kay Xiao Mei hanggang sa lumaki na nang lumaki ang perang inuutang nito sa kanya. Nagtiwala si Xiao Mei dahil ipinahahawak ni Zhang Nan sa kanya ang mga papeles ng mamahaling sports car at real estate na kalaunan ay mga peke pala.

Nabuking ni Xiao Mei na love scam lang pala ang lahat nang makilala niya si Li Min, isa sa mga babaing hinuhuthutan din ni Zhang Nan. Kapwa nakatira sa isang apartment building si Xiao Mei at Li Min kaya mabilis silang nagkakilala. Pero laking gulat nila na may isa pang babae sa kanilang apartment na niloloko rin ni Zhang Nan.

Nang maaresto ng mga pulis si Zhang Nan, umamin ito na 20 kababaihan lahat ang pinagsasabay-sabay niyang perahan. Sa kasamaang palad, naubos na niya ang perang na-scam mula sa 20 kasintahan. Kasalukuyang nakakulong si Zhang Nan.

KULONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with