^

Punto Mo

Rep. Elago, nais i-custody ang isang Lumad minor!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

LUMAKAS ang akusasyon ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas na ang 19 Lumad minors na na-rescue sa Cebu ay tini-train ng CPP-NPA na maging “child warriors” matapos hilingin ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago na i-custody ang isang 17-anyos na Subanon.

Sa report na natanggap ni Sinas, si Elago ay lumutang sa opisina ng Department of Social Welfare and Development 7 (DSWD7) noong Marso 1 at ni-request na iku-custody niya si Mekaela Haictin, ang isa sa mga na-rescue na Lumad minors, habang nakabinbin ang kaso laban sa kanya.

Ipinaliwanag ng opisyales ng DSWD7 na ayon sa kanilang Standard Operating Procedures (SOP) ita-turnover lang nila ang mga bata na kanilang kinupkop matapos ang proper evaluation at assessment sa mga ito. At higit sa lahat, pag-aralan din ng social worker ang kapasidad ng magulang ng bata, kung saan ita-turnover sila at hindi sa ibang tao. Araguuyyyy! Hak hak hak! Umuwing luhaan si Elago, di ba mga kosa? Mismooooo!

Sino si Mekaela Haictin? Ayon sa pananaliksik ni Central Visayas police director Brig. Gen. Ronnie Montejo, si Haictin ay anak nina Lope at Carmelita Haictin, na kapwa miyembro ng CPP-NPA. Tinawagan ni Montejo si Engr. Rene Garban, na kapatid ni Carmelita, para i-custody si Mekaela subalit tumanggi ito dahil ayaw niyang makialam sa buhay ng kanyang kapatid na NPA sa Davao Region.

Sinabi naman ng dating NPA cadre na si Noel Legaspi na si Lope ay NPA subalit nag-lie low at nagtatrabaho na sa ngayon sa Mindanao Interfaith Services Foundation Inc. (MISFI). Si Carmelita ay aktibo pa sa Kilusan, anang report ni Montejo. Araguuyyyy! Hak hak hak! Naghahanap pa ng arrest warrant ang gobyerno ni President Digong para tugisin ang mag-asawang Haictin.

Noong Pebrero 28, ang isa sa mga akusado na si Rochelle Porcadilla ay nakipag-link up kay Montejo kung saan ibinunyag niya ang kagustuhang maging state witness sa kaso. Sinipa rin ni Porcadilla ang serbisyo nina Atty. King Perez at Atty. Neil Relampagos ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) Cebu chapter. Boluntaryong pumirma si Porcadilla ng Legal Engagement Service ni Atty. Joey Borinaga na nagpresenta sa kanya sa preliminary investigation ng kaso. Ang magulang naman ng limang Lumad minors ay kasalukuyang tinutulungan ng social workers sa Sultan Kudarat para ma-turnover na sa kanila ang kani-kanilang mga anak.

Samantala, kinukuha rin ng mga tauhan ni Montejo ang mga affidavits ng apat na dating NPA cadres para susugan ang sworn statement ni Ariel Taban, ang isa sa witness sa kaso. Nagtutulungan ang pulisya at mga iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para lumakas ang kaso laban sa mga akusado. Araguuyyyy! Hak hak hak! The trurt shall prevail, di ba mga kosa?

Teka nga pala! Mahigpit na pinabulaanan ni Elago na may kinalaman siya sa masamang gawain ng NPA subalit bakit niya kino-custody si Haictin? Simpleng katanungan na si Elago lang ang may kasagutan, di ba General Sinas Sir? Araguuyyyy! Hak hak hak! Mukhang importanteng opisyal ng CPP-NPA ang mag-asawang Haictin at binigyan ng oras at importansiya ni Elago ang anak nila. Mismooooo! Ano sa tingin n’yo mga kosa? Abangan!

 

LUMAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with