^

Punto Mo

Grupo ng monghe sa Japan, magtatayo ng ‘buddhist temple’ sa outer space!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Pang-masa

Isang ‘‘space temple’’ na nakalagay sa isang private satellite ang binabalak ilunsad sa outer space sa taon 2023.

Proyekto ito ng Terra Space inc., isang Kyoto-based satellite research and development company at ng mga Buddhist monk ng Daigoji temple, ang isa sa pinakamatandang temple sa Kyoto, Japan.

Ang “space temple” ay tatawagin na Jotenin Gounji Temple at ilalagay ito sa isang satellite kasama ang isang maliit na rebulto ni Buddha at mga mandala paintings. Ang satellite na kinalalagyan nito ay iikot sa Earth isang beses bawat 90 minuto.

Nagsimula ang ideya ng “space temple” mula sa mga monghe sa Daigoji temple nang mapansin nila na nabawasan na ang mga bumibisita sa kanilang templo dahil sa COVID-19 pandemic.

Naisip nila na kapag nakalagay sa isang satellite ang kanilang temple, lahat ng tao sa mundo ay maaaring makapagdasal dito.

Ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng 200 mil­ng yen at kasalakuyang naghahanap ng investors ang Daigoji temple at Terra space inc. para mas mada-ling maisakatuparan ito.

MONK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with