Walang tigil na panalangin
NOONG ako ay bata pa, naririnig ko na ang kuwento tungkol sa pag-aalay ng itlog sa monasteryo ng mga mongha tuwing may nais silang ipadasal sa mga ito. Bakit itlog ang iniaalay?
When nobles made donations to monasteries during medieval times, the monks preferred eggs because of their many uses: the yolk for food and the white for making a strong adhesive for stone buildings.
Madalas ang mga kahilingan ay tungkol sa pagpasa sa board exam, ligtas na paglalakbay sa ibang bansa o magandang panahon sa araw ng kasal, pagdiriwang ng anibersaryo o kaarawan.
Sa pagdaan ng panahon ay hindi lang itlog ang natutuhang i-offer ng mga taong nagpapadasal. Minsa’y cash na ang ibinigay nila o prutas. Naisip kasi ng mga tao, kawawa naman ang mga mongha kung mapupurga sila ng itlog.
Naiisip ko, ano ang kaibahan ng pagdadasal ng mga mongha sa pagdadasal ng pangkaraniwang Katoliko? Bakit ang mga ipinapadasal mo sa kanila ay madalas na natutupad kaysa hindi? Isang araw ay may nabasa akong artikulo tungkol sa mga mongha.
Walang tigil na pagdarasal ang “chief activity” ng medieval monasteries noon hanggang ngayon. Ang unang requirement para sa bagong pasok na mongha ay i-memorize ang buong 150 Psalms. Dinadasal ng mga mongha ng Benedictine monastery ang 150 Psalm once a week.
Nagsisimula silang magdasal ng 3:00 a.m., sunod ay 6:00 a.m., 9:00 a.m., 12:00 noon, 3:00 p.m., 6:00 p.m. at 9:00 p.m.. Pitong beses silang nagdadasal sa loob ng isang araw. Ang 150 Psalm ay tinatapos dasalin sa isang araw. Hinahati nila ang 150 sa 7-hour schedule. Sinasalita at kinakanta ang Psalm. Ang “seven daily times of prayer” na kinaugalian na sa monasteryo ay mula sa Psalm 119:164 na nagsasaad: “Araw-araw, pitong beses akong nagpapasalamat.”
Kaya hindi na ako magtataka kung bakit laging sinasagot ng Diyos ang mga panalangin ng mga mongha. Iyon pala ang sekreto para maging epektibo ang dasal, ang walang tigil na pagdadasal.
- Latest