Psychological facts (Part 5)
• Ang taong mababa ang kumpiyansa sa sarili ay magaling pumuna sa kamalian ng iba.
Kung nakatanggap ka ng pamimintas mula sa toxic people, huwag mo itong pansinin dahil ang sarili niya ang kanyang inilalarawan at hindi ikaw.
• Ang taong maraming kasiping na unan sa kanyang pagtulog ay malungkot o nakakaranas ng depresyon.
• Ang warm bath ay nakakatulong para mapaglabanan ang kalungkutang nadadama.
• Lahat tayo ay may tatlong klase ng buhay: private life, public life at secret life.
• Bakit mabilis mong matiyak kung nagkakagustuhan ang mga kaibigan mo pero nahihirapan kang mahalata kung may crush sa iyo ang crush mo.
• Maganda sa kalusugan ang physical touch. Ayon sa isang pag-aaral, ang masahe, pagyayakapan, paghahawak kamay ay nakakabawas ng stress at nakakalakas ng immune system.
• Ang isang tao ay nagiging extremely honest, weird, awkward at malakas ang tendency na mamersonal sa ganitong oras: hatinggabi o early morning.
• Ang pinakamagandang pakiramdam na mararanasan mo sa balat ng lupa ay ‘yung alam mo na espesyal ka at sobrang minamahal ng isang tao. Nakakahaba ito ng buhay, ayon sa mga psychologists.
• Ang taong nais agad maging best friend ang bago niyang kakilala ay madrama sa buhay. ‘Yun bang kaunting bagay ay ginagawang malaking isyu.
• Maganda sa kalusugan ang pagluha. Inilalabas nito ang bad bacteria sa katawan, nagtatanggal ng stress at pinapalakas ang immune system.
- Latest