^

Punto Mo

EDITORYAL - Ibawal, paggamit ng plastik

Pang-masa
EDITORYAL - Ibawal, paggamit ng plastik

MGA basurang plastic ang naging dahilan nang pagbaha sa Ramon Magsaysay Blvd., Sta. Mesa noong Miyerkules. Sandali lang ang pag-ulan subalit bumaha agad sa nasabing lansangan. Hindi makadaan ang maliliit na sasakyan kaya nagdulot ng grabeng trapik. Walang bagyo o anumang sama ng panahon pero ang kaunting pag-ulan ay nagdulot agad ng pagbaha. Plastik ang dahilan.

Hindi makaagos ang tubig dahil sa sandamukal na basurang plastic. Mga supot na plastic na pinaglagyan ng buko juice at iba pang inilalakong palamig sa kalye. May mga plastic na pinaglagyan ng isda at karneng binili sa palengke o talipapa. Mayroon ding mga sachet ng 3-in-1 coffee, catsup, hot sauce, toothpaste, shampoo at hair conditioner.

Noon pa, problema na ang plastic na basura. Noong 2018, nagbanta si President Duterte na ipagbabawal ang paggamit ng plastic. Pero nawala ang banta at hanggang ngayon, tuloy ang paggamit ng plastic. Patuloy na nagbibigay ng problema.

Nagbabala ang ilang environmental groups na kung hindi gagawa ng paraan ang pamahalaan para mabawasan ang paggamit ng single use plastic, aapaw ang 59.7 bilyong sachets sa Metro Manila. Malulunod ang mga residente sa sachets at iba pang basurang plastic na hindi natutunaw. Kailangan na ang isang batas para maisalba ang kapaligiran.

Hindi lamang pagbaha ang dulot ng mga basurang plastic kundi banta rin sa buhay ng mga lamandagat. Dahil sa pagtatapon ng mga plastic, humahantong ang mga ito sa dagat at nakakain ng mga balyena. Marami nang balyena na sumadsad sa dalampasigan at namatay. Nang suriin kung ano ang ikinamatay, dahil sa mga nakaing plastic na itinapon sa dagat.

Tumutulong na Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para mabawasan ang basurang plastic. Ini-lunsad ni AFP chief of Staff General Gilbert Gapay ang zero plastic campaign sa Camp Aguinaldo noong Biyernes. Ayon kay Gapay, hindi na gagamit ng plastic sa lahat ng kampo ng military sa buong bansa. Ito ay para matulungan na maisalba ang environment sa pagdami ng plastic wastes.

Tama ang hakbang na ito at sana mayroon pang sumunod sa AFP. Magkaisa ang lahat. Tutulan ang produksiyon at paggamit ng plastic.

PLASTIK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with